Chapter 38

640 1 0
                                    

CHAPTER 38



"Why did you let him, Selene?!"

Iyon ang unang bumungad sa akin nang makauwi ako at nasa sala si Noah na naghihintay.

"He has the right over Erin, Noah. Kailangan din niya iyon dahil limang taon kong itinago sa kanya ang anak niya."

Padabog na naupo si Noah sa couch at sinuklayan ang buhok niya. "And what happens next, huh?"

"I don't know! Mahirap din ito para sa akin pero ito ang kailangan! Ito ang dapat! Ito ang kabayaran sa patong patong na kasalanan ko kay Henry!" Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at uminom.

Nilapitan ako ni Noah at niyakap nang patagilid. "I'm sorry, Babe..." huminga siya nang malalim habang hinahaplos ang braso ko.

Binaba ko ang baso sa lamesa at hinarap siya. "Mahirap sa akin na malayo kay Erin, alam mo iyan."

Tumango siya at hinila ako sa kanya para yakapin ako ulit.

"Five years, Noah. Five years kong ipinagkait kay Erin ang ama niya at five years ko ring ipinagkait kay Henry ang anak niya." I clutched his shirt and I wept hard, I think my heart's going to explode. "Ang sama ko bang tao? Ang sama ko bang nanay kay Erin?"

"Shh, Babe..." naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. "You had your reasons, and I know, Erin understood that an early age. Matalino ang anak mo. Hindi ka nagkulang sa kanya. In fact, you did everything for her. Mag isa kang binuhay si Erin at hindi biro iyon. You're an amazing mom, Selene."

Later that night, I received a text from Henrico.

Henrico:
Discharged na si Erin. I'll bring her to the mall to buy her necessities, then I'll take her home.

Ako:
Don't feed her soy, she's allergic to that. Also, she likes warm baths. Gusto rin niyang uminom ng mainit na gatas bago matulog. Dadalhin ko na lang sa opisina ang mga gamit niya para sa school niya sa Lunes. 10 AM until 3 PM ang klase niya. Regarding her assignment on Monday, you can tell her to change Noah's name to your name as her Daddy. She likes doing her homework without supervision but she'll ask you to check it after. Marunong na siyang kumain nang mag isa pero kapag sa mga chicken, pork, beef, and fish, mas okay kung hihimayin na para sa kanya.

Hindi ko alam kung ilang minuto o umabot na yata sa oras na nakatitig lang ako sa phone ko, naghihintay sa reply niya hanggang sa tumunog na nga ang phone ko.

Henrico:
Just have her school stuff delivered to the hotel, I'll take care of that.

Another text came in.

Henrico:
Noted.

Hindi ako nakatulog. Umaga na, nakayakap pa rin ako sa bolster pillow na gustong gustong yakapin ni Erin kapag matutulog, pero dilat na dilat pa rin ako.

How was Kylie with her? Natanggap ba niya si Erin na anak ni Henrico? Does Erin like her as her stepmom?

Those were my only thoughts the whole night. Nang makita ko na ang liwanag, doon lang din ako natigil kakaiyak. Kahit pagod na pagod ako, lalo na ang mga mata ko, hindi pa rin ako nadapuan ng antok. Masakit na rin ang ulo ko kakaiyak pero walang nangyayari sa akin.

I just feel empty because Erin's not beside me. Hindi ako kumpleto kapag wala siya.

"Selene?"

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas iyon. It's Noah, wearing a sando and his checkered boxers.

Magkasalubong ang kilay niyang lumapit at umupo sa kama. "Hindi ka pa natutulog?"

"How can I?" Pilit akong ngumiti. "Wala si Erin sa tabi ko. Kinabukasan, alam kong wala pa rin siya rito." 

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now