Chapter 23

545 5 1
                                    

CHAPTER 23





What happened last night at Kuya Helios' and Ate Lia's wedding anniversary was chaos, but Erin and I managed to survive without messing up the party. Kasama ko sa lamesa sila Ate Azariah at marami rin kaming napagkuwentuhan tungkol sa pagbubuntis ko at noong naipanganak ko na si Erin.

Mommy and I never talked again during the party, dahil kada lalapitan niya ako, lumalayo ako. Si Kuya Helios at Ate Lia ang ipinunta ko roon, hindi siya.

"Mommy, Lio said they will ride a ship later to... B-Bagatas! They will come home tomorrow. Can I join them?"

Ngumuso ako. Itong si Lio, tinuturuan pang maging lakwatsera ang anak ko.

"That's far, Anak. And it's Batangas."

"I-I'm with Ate Linda, Mommy! Tita Lia and Tito Helios will also be there! I will call you on Tita Lia's phone, Mommy... Please?"

Napakamot ako ng batok nang hawakan na ni Erin ang kamay ko.

Tumango ako. "Mommy will join, too. I don't want you away from me that far and that long."

Nagliwanag ang mukha ni Erin at tumalon talon pa. Niyakap niya ang baywang ko nang mahigpit at natawa na lang ako. Binuhat ko siya at pinaulanan niya ng halik ang mukha ko kaya mas lalo lang akong natawa.

"You love me so much, Mommy, 'no?" Ngumiti siya at pinugpog ulit ng halik ang mukha ko.

"Of course, Anak. When you were still so little, I promised you that I will give you everything that you wish."

Isa lang ang hindi ko maibibigay, Anak. Iyon ay ang makasama ulit natin ang Daddy mo at makumpleto tayong tatlo. Hindi na pwede, e.

The rest of the morning, nag empake kami ni Ate Linda ng mga gamit namin habang ang anak ko ay busy sa paper boat na ginawa namin kanina. Tanghali ang alis ng barko kaya binilisan na rin namin.

"Mommy, Tita Azi said something about jetki! I wanna try that."

Napangiti ako nang maalala ko ang huling beses na nagjetski ako. Pero agad na napalitan ng sakit iyon dahil iyon din ang simula ng kalbaryo sa buhay namin ni Henrico. If that incident didn't happen, hindi sana mangyayari ang mga iyon sa kanya.

Pero kung hindi rin nangyari iyon, wala si Erin sa akin ngayon.

"It's jetski, Erin. And no, you can't ride that, yet. When you're old enough, Mommy will teach how to ride a jetski, okay?"

Parang nag isip pa si Erin bago siya tumango at nagpatuloy sa paglalaro ng kanyang paper boat.

Kuya Helios welcomed Erin and I to the ship. Maliit lang ito kumpara sa mga original na ship siguro dahil medyo malapit lang din ang lalakbayin.

May VIP room sa ship na ito at doon kami dinala ni Kuya Helios. Everyone was there, all my cousins and their women. Nang makita ni Erin si Lio ay agad siyang lumapit doon at nakipaglaro.

"Hindi mo matiis ang anak mo, 'no?" si Ate Azariah na tinawag akong umupo sa tabi niya.

I crossed my legs and accepted the beer Kuya Valerio offered. "Wala naman akong magagawa kung si Erin na ang nakiusap. Aga niyo namang uminom?"

"Kung kasi umuwi ka rito sa Pilipinas, nakakasama mo kaming uminom sa gabi," si Ate Azariah.

"Malalaman mo rin iyon kapag nagka anak ka na, Ate Azi," sabi ni Ate Lia na nakahawak sa tiyan niya, patungkol sa unang tinanong ng pinsan ko.

"Anong anak? Masyado pang bata si Azi, Lia." Si Kuya Valerio na magkasalubong ang kilay.

"Paano naman kami ni Selene, Kuya Valerio? Kung bata pa si Ate Azi para magka anak, ano kami? Fetus noong pinanganak ang mga panganay namin?"

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora