Chapter 3

744 9 0
                                    

CHAPTER 3


Do I miss him?

Ako:
Why would I? Hinahanap lang kita kasi hindi kita makita rito.

Henrico:
Bakit mo naman ako hinahanap? May kailangan ka ba? Kylie's there, as well as Alice. You can ask them anything.

Oo nga, bakit ko siya hinahanap?

I chose not to answer it anymore at simulan na ang pagkain.

Napatango ako sa unang kagat ng niluto ni Noah. He's a great chef! Alam kong habang nag-aaral siya ng Management noon, he also attended cooking classes. Siguro dahil din may restaurant sila sa Australia.

I'm done with my training for today. Although pinabasa at pina-aral lang sa akin ni Mrs. Galang ang mga kailangan kong malaman tungkol sa hotel. My training would be, susunod sa kanya and see what she does. I think that's gonna be my agenda for the months I have to be trained.

Kinagabihan, nagbihis ako ng simpleng black spaghetti-strapped top and white shorts. Nakatali lang ang buhok ko at 'di na ako nag-abalang maglagay ng makeup. Gabi na rin naman, e.

Noah and I were walking side by side, nakahalukipkip ako dahil medyo malamig pala, lalo na ang simoy ng hangin, habang papunta kami sa tinuturo niyang kakainan namin.

Sa parang bahay kubo kami pumasok at nag-order si Noah ng grilled liempo and grilled squid. In all fairness, masarap ang pagkakatimpla nila na kahit wala nang toyo at calamansi, masarap pa rin.

"Hindi naman din ako pinipilit ni Dad na magtrabaho sa Australia. 'Yong pinsan ko ang nagpapatakbo no'n ngayon." Kwento niya bago sumimsim sa softdrinks na in-order.

"That's good. Si Kuya Helios kasi, kung hindi niya tinuloy ang pag-aabogado niya, mapipilitan sila Dad na patakbuhin niya ang negosyo."

"Siguro kasi si Helios ang panganay kaya nasa kanya 'yong mas malaking responsibilidad, lalo na kung patungkol sa mga business niyo."

I nodded. He's right. 'Yon din ang sabi ni Kuya Apollo sa akin noong isang beses na nagtanong ako tungkol doon. May plano kasi si Kuya Helios na huwag nang ituloy ang pag-aabogado at susundan na lang si Ate Lia, pero ako ang nagsabi sa kanyang hindi rin magugustuhan 'yon ni Ate Lia. Mukhang naintindihan naman niya kaya pinagpatuloy niya.

Kuya Apollo on the other hand, gusto talaga niyang maging engineer. Nagkataon lang din na ang pamilya namin, Reoja and Bustamante, ay may construction firm. No other Reojas and Bustamantes in our generation wants to be the successor at okay lang naman kay Kuya ang tungkulin na 'yon, kaya kinuha niya.

Hindi naman namimilit ang mga magulang namin sa career path na gusto namin. Sa taong pakakasalan lang. They want someone who's rich at may napag-aralan, kung may business, mas maganda, ang para sa amin. Magiging kasiraan daw kasi 'yon sa pangalan namin kung may mali-link sa amin na hindi parehas ng estado namin. Also, para mag-ingat na rin dahil baka huthutan lang daw kami ng pera.

Isa 'yon sa hinanaing ni Kuya Apollo tungkol kay Ate Adley. Kinausap daw pala siya ni Mommy at inalukan ng pera para iwan si Kuya. Kahit ako, nagulat at nagalit sa ginawa ni Mommy pero hindi ko naman din siya masisisi. She just wants to protect Kuya and our riches.

"Your father invited us for your birthday celebration," pagbasag ni Noah ng katahimikan habang pabalik kami sa Coast Point Hotel.

Malapit na rin ang tapos ng shift ni Kylie at Alice kaya babalik na kami sa hotel para sabay-sabay na rin kaming pumunta sa Beach and Sands na gawa-gawa lang pala ni Alice at ng mga kaibigan niya noong high school.

"Oh, he's giving out invitations na pala. Pupunta ka ba?"

"Yeah, of course. Mom and Dad will come, too. Twenty-two ka na, 'di ba?"

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now