Chapter 30

598 3 3
                                    

CHAPTER 30





Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na kamay na nakadagan sa tiyan ko. Kailan pa bumigat si Erin? Bakit din amoy lalaki na ang anak ko? Baka sa sobrang yakap niya kay Noah, nalipat na sa kanya ang amoy.

Sinubukan kong magmulat at nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag gising ng diwa at ng buong sistema ko nang makita kong kaharap at kayakap kong matulog si Noah.

Maingat kong tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin at humarap sa kabilang gilid ko. Payapang natutulog si Erin habang gulo gulo ang buhok sa mukha niya.

Tumunog ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesang katabi ni Erin at agad ko iyong inabot dahil baka magising siya sa ingay noon. Pero nang itapat ko na sa tainga ko iyon pagkatapos pindutin ang answer kahit 'di ko pa nakikita ang tumatawag, hinila ako ni Noah palapit sa kanya. Binaon niya ang mukha niya sa batok ko at mas humigpit ang pagyakap niya sa akin.

"Mamaya na 'yan. Maaga pa, Selene," aniya na medyo namamaos pa.

"N-Noah..." pinilit kong lumayo sa kanya nang dahan dahan at baka magising si Erin.

Hinayaan na rin niya ako at niluwagan ang pagkakahawak sa akin kaya nakaalis na ako sa kanya at bumangon. Pero pagtingin ko sa phone, namatay na ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pasado alas otso na.

Naligo ako nang mabilisan at nagbihis. Aligaga kong sinusuot ang sapatos ko habang niyuyugyog si Noah. "Alis na ako."

Lumapit ako kay Erin at humalik sa pisngi niya at nagmadaling lumabas ng unit. Habang hinihintay ang elevator ay nagsuklay na rin ako.

Nang pindutin ko ang P1 dahil doon laging naka park ang sasakyan ko, naalala kong naiwan ko nga pala ang sasakyan sa hotel.

"Fuck..." bumuntong hininga ako at umiling.

Mas male-late ako dahil kailangan ko pang mag abang ng taxi.

I arrived at the hotel quarter to nine. Traffic pa sa EDSA kaya mas lalong natagalan.

Agad akong nagbayad sa driver at itinakbo ko na papasok ng hotel kahit hirap dahil naka takong ako. Hindi naman ako binigo ng elevator at agad na bumukas iyon at walang tao kaya dire diretso sa 35th floor ang sinasakyan ko.

Nabungaran ko si Kylie na bored na tiningnan ako pagkatapos ay binalik sa computer ang mga mata. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at pumasok na ako sa opisina.

Magkasalubong ang kilay at maluwag ang necktie na naabutan ko si Henrico. Malamig ang tingin na binigay niya sa akin nang pumasok ako.

"S-Sorry, hindi ako agad nagising. Napasarap ang tulog kaya-"

Ngumisi siya pero nanatili ang masamang tingin sa akin. "Halata ngang masarap."

Kumunot ang noo ko. Anong sinasabi niya?

Tinuro niya ang lamesa ko at gabundok na mga papeles ang nakalapag doon. "I need you to sort those out. May mga parating pa mamaya kaya bilis bilisan mo diyan."

"O-Okay..." tarantang naupo ako sa silya ko at inumpisahan na iyon.

"Ikaw na ang pumunta sa finance mamaya para kunin ang mga papeles na dagdag diyan." Walang emosyong sabi niya.

Buong umaga kong ginawa ang mga papeles na ito at paminsan minsang sumisilip sa cellphone dahil baka nag text na si Noah o si Erin. Nang mag ten na ay nakatanggap naman ako ng text kay Noah. Pasimple kong binasa iyon sa ilalim ng lamesa at baka magreklamo na naman si boss.

Noah:
Nakapasok na ng school si Erin. Hindi na siya tumawag at baka raw maistorbo ka pa kaya tinext na lang kita. Kumusta? Nakapag breakfast ka ba?

Ngumuso ako nang kumalam ang tiyan ko.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now