Chapter 14

546 7 0
                                    

CHAPTER 14





"Henry!" Lakad-takbo ang ginagawa ko habang hinahanap siya.

Kasabay ng pagsakit ng paa ko sa pagtatakbo dahil naka heels ako, ay ang hindi matapos tapos na pagbuhos ng luha ko. Huminto muna ako sa pagtatakbo at hinabol ang paghinga ko.

"Selene..." A man spoke behind me.

"H-Henry," mahina ang boses kong sinalubong siya at niyakap.

Saglit lang 'yon dahil hinila niya ako papasok ng van ng hotel na minamaneho niya. Nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko habang pinupunasan ang mga luha ko at nakahawak naman ako sa magkabilang pulsuhan niya.

"H-Henry, hindi ko alam na may planong ganoon si Mommy."

"Alam ko," halos pabulong na lang niyang sabihin iyon.

"A-Ayaw ko... Ayaw kong ikasal sa kanya o sa kahit na sino, Henry. Sa'yo lang."

Hinawakan niya ang magkabila kong kamay at hinalikan 'yon. Tumango tango siya pero kita ang lungkot sa mukha niya.

"Henry, mahal kita. Sobra sobra." Hinigit ko siya palapit sa akin para yakapin. Nag uumpisa na namang bumuhos ang luha ko at ang damit niya ang sumasalo noon.

"Sabi ko sa'yo, Selene, pigilan mo."

Umiling ako at mas hinigpitan pa ang yakap. "H-Hindi ko kaya! Ayaw ko! Gusto kitang mahalin, Henry!"

"Hanggang kama lang ang relasyon natin, Selene. Hindi na pwedeng sumobra pa roon."

Humiwalay siya sa yakap at humalik nang mabilisan sa labi ko. "Kailangan mo nang bumalik doon sa loob."

"Ayaw ko, dito lang ako! Gusto ko rito sa tabi mo!"

Tipid siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko. "Doon ka nararapat, Selene. Hindi rito sa akin."

"I belong to you, Henry! Sa'yo lang! Hindi sa kahit na sino!" Halos isigaw ko na iyon para malaman niyang ayaw ko talaga, na gusto ko, sa kanya lang.

"Ipapakasal ka nila kay Noah. Kailangan nating tanggapin iyon."

"I choose who I want to marry, Henrico. Clearly, it's not him or anyone else!"

"Mahigit dalawang linggo pa lang tayong magkakilala, Selene. Pwede mo pa akong kalimutan."

Ayaw ko.

"Nandito pa rin naman ako. Bilang kaibigan mo."

I smirked at him, "kaibigan? Henry, kaibigan?"

"Hindi kita magawang ipaglaban sa mga Reoja o Bustamante, Mahal. Ito lang ako, o. Bellboy at driver. Hindi ko kayang ibigay sa'yo ang buhay na kinalakihan mo. Maghihirap ka lang sa akin. Hindi tulad kay Noah na kayang ibigay sa'yo ang lahat ng pangangailangan at kagustuhan mo."

"Hindi mo naman ako kailangang ipaglaban, e! Ako ang lalaban para sa'yo! I can do it! You just have to let me!" I screamed, begging him.

"Shh..." He whispered, pulling me into another tight hug. "Maghihirap ka lang sa akin, Selene. Ayaw kitang maghirap dahil lang pinilit natin ito."

I calmed down a bit, but my heart is still crying for pain and anger.

"Mahal kita at mahal mo ako, 'di ba? Hindi natin pinipilit ang isa't isa."

He heaved a heavy breath, I'm almost hearing his heart beat. I closed my eyes. Sana panaginip lang talaga ito. Sana hindi totoong ipapakasal ako kay Noah.

"Mas maganda ang kinabukasan mo kapag kay Noah ka, Mahal."

"Pero hindi masaya."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at ang unang bumungad sa akin ay ang mga labi ni Henrico. I cupped his cheek and planted a kiss on his lips. I stared at it and after he licked his lips, he attacked me with slow, passionate kisses.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon