Chapter 20

575 5 0
                                    

CHAPTER 20





Two lines on each pregnancy test.

I held my mouth as I sobbed so hard. I should be happy. But I'm not. Sa rami ng problema ngayon, hindi ko alam kung paano na itong pagbubuntis ko. Unang una, nawalan ng pwesto sila Henrico sa palengke. Isa iyon sa hanapbuhay nilang pamilya. Pangalawa, ang scholarship nila ni Axton, mawawala rin. Pangatlo, ang pambabatikos kay Henry sa school nila. Pang apat... ang pagkakakulong ni Henry sa kasong rape na ako raw ang nagsumbong?

Agad kong hinagilap ang cell phone ko at kahit na humihikbi at nanlalabo ang mga mata dahil sa luha, hinanap ko ang pangalan ni Kuya Helios sa contacts.

After a few rings, he answered.

"Selene?"

"K-Kuya! Kuya, please get Henry out of jail!" Nanginginig ang boses ko, hindi ko alam kung maririnig ni Kuya kaya halos isigaw ko na iyon.

"W-Why is he in jail? Anong kaso niya?"

"R-Rape! S-Sabi ni Kylie sa akin, ako raw ang nagsumbong sa kanya and you know I wouldn't do that!"

"Si Mom?" Madiin niyang tanong na halatang nagpipigil lang sumabog.

"K-Kuya, please help him... M-Mawawalan na rin siya at ang kapatid niya ng scholarship. P-Pinaalis sila sa pwesto nila sa palengke. And now, h-he's in jail, Kuya! Alam kong si Mommy ang gumawa ng mga iyan! Binantaan niya ako tungkol kay Henry!"

"I'll help him. Ako mismo ang dedepensa sa kanya, okay? We'll get him out. But I need you to testify for him. We have to get you checked para makumpirma kung-"

"N-No!"

I'm pregnant and they will surely know if I get checked!

"May..." he breathed violently. "...may nangyari na ba sa inyo?"

Napapikit ako ng mga mata at kinagat ang ibabang labi.

"Selene..."

"O-Oo, Kuya."

Napasinghap siya sa kabilang linya at malakas na bumuntong hininga. "We still need you to testify kasi ikaw ang-"

"T-That's not possible. Babalik muna ako ng New York dahil mas makakatulong din daw iyon sabi ni Kuya Apollo. Para rin hindi na dagdagan pa ni Mommy ang mga parusa kay Henrico kung hindi na muna kami magkasama."

Sandali pang natahimik si Kuya sa kabilang linya kaya nagsalita na ulit ako.

"After this call, Kuya, I'll book a flight to New York. I'll catch on the earliest flight. Baka sa tagal pa ng pananatili ko rito, mas malala pa ang magagawa ni Mommy. The articles online, tinawagan na yata ni Kuya Apollo si Kuya Valerio to take those down."

"Yes, I heard that. May mga tauhan na rin akong pinakilos para gawan ng paraan ang tabloids as soon as Apollo called me."

I nodded. My brothers and my cousin are doing what they can for the issue. Wala naman akong magagawa kundi ang umalis muna at... itago ang pagbubuntis ko kay Mommy. I don't want to hear options about aborting this baby like how Tita Amarie experienced. Hindi ko kakayanin kung ang sarili kong nanay ang magsasabi noon.

This baby has nothing to do with my family's issues. Kung kinakailangan na lumayo muna ako para protektahan ang anak namin ni Henrico, I'd do that.

"Kuya, please keep Henrico and his family safe. Please do it for me." Nanghihinang sabi ko.

"I will, Selene. Gagawin ko lahat."

"S-Sige na, Kuya. May gagawin pa ako."

"Alright. Text me the details of your flight and when you've arrived in New York."

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now