Chapter 29

546 4 6
                                    

CHAPTER 29





Thirty minutes before six, umalis na kami ni Henrico sa opisina. Siya ang nagmamaneho ng kanyang sasakyan at ako naman ay nasa passenger's seat. We were silent the whole ride—kung hindi bibilangin ang mga buntong hininga at pagtikhim niya. Kung hindi rin isasali ang nakakabinging pagkabog ng puso ko dahil nasa closed space kami.

Nagpadala na rin pala si Henrico ng long sleeves niya kanina dahil may meeting kami sa client nang biglaan. Hindi ko rin alam kung anong kinain nitong si Henrico at bigla bigla na lang nagpapa reschedule ng meeting ilang oras bago 'yong actual na meeting. Parehas lang naman kami ng ulam.

Ilang saglit lang din at nakarating na kami sa isang restaurant, kung saan pa rin ang original meeting place. Pina-cancel ni Henrico sa akin ang reservation sa restaurant na 'to para bukas at ako rin ang ipinag book niya para ngayon.

"Let's go," sabi ni Henrico nang patayin niya na ang makina.

Nang bumaba na siya ay iyon na rin ang hudyat ko para bumaba. Nauna siyang pumasok at nakasunod lang ako. May sinabi siya sa isang waiter at agad namang tinuro ang lamesang... Mrs. Santos?

She's wearing a red skimpy, tight dress, and her heels can kill you if you're stabbed. She's also wearing heavy makeup, and her hair is perfectly curled.

Mukha namang hindi siya misis.

"Good..." tumingin ang babae sa mamahalin nitong relo at nang iangat niya ang tingin kay Henrico ay nakangiti na uit siya. "...good evening, Mr. Alfaro. I'm Cecille Santos, the only daughter of Mrs. Lea Santos."

Oh. Siya pala ang representative ni Mrs. Santos? Kaya siguro pumayag na dahil iba naman ang ipapadala niya.

"Good evening, Ms. Santos. Here's my assistant, Selene Reoja."

Napataas ang kilay niya nang bumaling siya sa akin. She looked at me from head to foot, at doon lang din siya ngumiti sa akin... nang peke.

"Good evening, Ms. Reoja." Ngumisi siya. "Noah's a good friend of mine. How's he doing?"

"Uh..." unconsciously, I looked at Henrico who's also looking at me. "He's fine."

Wala na talaga akong naging balita tungkol sa engagement namin ni Noah dati at hanggang ngayon, wala na rin akong nababalitaan. Baka sa paglipas ng panahon, nabubura na rin iyon sa balita at ibang chismis naman ang kumakalat. Pero nanatili sa utak ng tao. Baka akala nila ay engaged pa rin kami ni Noah or worse, kasal na ako sa kanya. Anim na taon na rin naman ang lumipas.

Tumikhim si Henry. "Let's take a seat."

Nakangiting umupo si Ms. Santos at sumunod si Henrico na naupo sa tapat niya. Kagat kagat ang loob ng ibabang labi, hinila ko ang upuan na katabi ni Henrico at naupo na rin.

Nagtaas ng kamay si Henrico para humingi ng menu na inabot sa aming tatlo. While browsing the menu, bahagyang humilig si Henrico sa akin at bumulong, "what's yours?"

"Uh, porterhouse... medium rare..." dahil pabulong niyang tinanong iyon, pabulong din ang sagot ko.

Bakit ba kami nagbubulungan?

Tumikhim si Ms. Santos kaya napatingin kami sa kanya. Matalim ang mga titig niya sa akin pero nang bumaling siya kay Henrico ay bigla siyang naging maamo.

Wow, pakitang tao.

"Have you decided yet?" She asked.

Tumango si Henrico at inangat ang tingin sa waiter. "One porterhouse and one T-bone, both are medium rare." Bumaling siya kay Ms. Santos.

"Umm... just caesar salad," she chuckled. "I'm on a diet."

Tapos nag order naman ng red wine si Henrico bago umalis ang waiter.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now