Chapter 24

551 5 1
                                    

CHAPTER 24





"Selene..." humawak sa siko ko si Kuya Valerio at hinigit ako para yakapin.

"K-Kuya Val... s-si Henrico..." tukoy ko sa lalaking sumagip kay Erin.

Napahilamos si Kuya Valerio at nilikod niya ako sa kanya. "I'll get Erin. J-Just stay here." He said before rushing to Kuya Helios.

Umiiyak pa rin na umatras lang ng isa palikod at pinanood ang nangyayari. Nakayakap si Kuya Sebastian sa akin at pilit akong pinapakalma, but how can I calm down when my daughter drowned!

Henrico, all soaked up in water, kneeled beside Erin. He's doing chest compressions on her habang nasa cellphone si Kuya Helios, at si Ate Lia at Lio ay parehas na umiiyak. Henry raised Erin's head a bit before leaning on her and blowed on her mouth, then he continued pumping her chest.

Then, we heard a cough coming from Erin. Binuga niya ang tubig na nainom niya at hinahaplos haplos ni Henrico ang kanyang likod. Biglang sumulpot si Kylie at humawak sa balikat ni Henrico habang inaalalayan din si Erin.

May sinabi si Kuya Helios kay Henrico at binuhat na ni kuya ang anak ko at itinakbo.

Pabalik na si Kuya Apollo sa akin at yumakap ako sa kanya. "Erin's fine now. Dadalhin siya ni Kuya sa ospital para ipa checkup."

"S-Si Henry ba talaga 'yon, Kuya?"

Naramdaman ko ang pag tango niya. Napapikit ako. Nakita na ni Erin ang tatay niya. Niligtas siya ng tatay niya.

"E-Erin?!" Agad akong tumakbo sa ward na itinuro ng nurse.

"Selene, I'm sorry..." nilapitan ako ni Ate Lia nang umiiyak.

Niyakap ko siya nang mahigpit habang nakatitig sa anak kong tulog at mukhang hinang hina.

"Ate Lia, walang may kasalanan noon. Walang may gusto sa nangyari." Mahinang sabi ko dahil awang awa ako sa anak ko.

"M-Mommy..." napalingon kami kay Erin at agad akong bumitaw kay Ate Lia para lapitan ang anak ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit para ipaalala sa kanyang nandito lang ang Mommy niya.

Nilingon ko si Ate Lia na hinahaplos ang likod ko at nginitian siya nang tipid.

Henrico shouldn't know that I have his daughter. Galit na galit sa akin si Kylie at sigurado akong magkakagulo ang mag asawa kapag nalaman nila ang tungkol kay Erin. They shouldn't know that I'm back.

"Mag rest ka muna, Erin, ha? So we could swim later in the resort. I'll just talk to Tita Lia."

Tumango si Erin at binitawan niya na ang kamay ko.

"Sabi ng doktor kay Helios, okay naman daw ang baga niya pero medyo bloated si Erin dahil maraming nainom na tubig. Mabuti na lang daw at naagapan agad kundi..."

Pumikit ako at tumango tango. Yumuko ako at nagsisimula na namang magtubig ang mga mata ko at nang nagmulat ako, nag uunahan ang mga iyon na tumulo.

Niyakap ako ni Ate Lia at hinaplos sa likod at buhok para kumalma. "Okay na si Erin, Selene."

"A-Ate Lia, hindi pwedeng malaman ni Henry na a-anak niya si Erin. Hindi rin niya pwedeng malaman na nandito ako, o kahit sa Isla Julieta. S-Siguro pupunta na lang kami ng Maynila ni Erin at doon na rin ako maghahanap ng trabaho." Sabi ko pagka kalas ko sa yakap.

"Sige, sige. Kung gusto mo, doon muna kayo ni Erin sa condo ni Helios. Bakante naman iyon, e."

"Doon na lang kami, Ate."

"Sasabihan ko si Helios mamaya. Inaasikaso rin niya ang bill ni Erin, kasama niya si Kuya Apollo."

Mahigit dalawang oras pa ang itinagal namin sa ospital bago na-discharge si Erin. Ngayon, nakakahinga na ako nang maluwag lalo na nang makitang excited si Erin na sumama kina Kuya Valerio at Ate Azi dahil sila ang kasamang mag swimming ng mga bata sa pool na nasa tapat lang ng mga kwarto namin.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now