Chapter 35

637 4 3
                                    

CHAPTER 35





Pagkatapos naming patulugin si Erin ay agad kong tinawagan si Kuya Apollo. Pabalik balik ang paglalakad ko sa sala habang nakahawak sa baywang ko, ang isang kamay ay may hawak ng cellphone na naka loud speaker.

Hinawakan ni Noah ang braso ko at hinila ako para mapaupo sa tabi niya. "Pumirmi ka nga, Selene. Ako ang nahihilo sa'yo, e. Bakit kasi kailangan mo pang tawagan si Apollo, e-"

"Hello?"

Umayos ako ng upo.

"Kuya!"

"What? Nagising si Yza noong tumawag ka, pinagalitan tuloy ako ni Adley. What is it?"

"You'll never expect it, Kuya!" Huminga ako nang malalim. "Pagkauwi ko, binalita ba naman sa amin ng pamangkin mong may boyfriend na siya?!"

Humalakhak si Kuya sa kabilang linya kaya nagsalubong ang kilay ko. "What is so funny about that, Kuya? Si Erin, may boyfriend!"

"C'mon, Selene. Ni hindi pa nga alam ni Erin ang boyfriend, e."

"Oh, yes! Pero naghalikan na sila noong boyfriend niya raw!"

"Huh? Halik bata lang 'yan, Selene. You shouldn't take that seriousl-"

"Kuya! Sa lips! And Erin liked it daw so she kissed him back!"

"What?!" Tumaas ang boses ni Kuya.

"See? 'Yan! Oh my gosh! Hindi ko alam ang gagawin ko sa batang 'yon, Kuya! And that Jonjon! Bungi pa nga ang ngipin sa harap, hinahalikan na ang anak ko!"

Huminga nang malalim si Kuya at narinig ko namang tinawag siya ni Ate Adley. "Well, you should explain that to Erin, na hindi siya pwedeng basta bastang magpahalik, lalo na ang bata bata pa niya."

"Noah and I did, Kuya! Pero mababawi ba 'yong first kiss ng anak ko?!"

Hinaplos ni Noah ang likod ko, pinapakalma ako. "Baka magising si Erin sa sigaw mo."

"Hindi na natin mababawi ang nangyari, Selene. Just educate your daughter para hindi na maulit 'yon. She's smart and she'll listen to you."

Nagngitngit ang ngipin ko sa inis at napasuklay na lang sa buhok ko.

"I have to go, tinatawag na ako ni Adley. Take care, Selene. Ihalik mo na lang ako kay Erin. Noah, take good care of my sister and my niece."

"I always will," mahinahong sabi ni Noah sa gilid ko.

"No need, Kuya. Si Jonjon na ang humalik kay Erin para sa'yo."

Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Kuya. "Sige na, I'll hang the phone up. Goodnight."

Binaba ko ang cellphone ko sa lamesa at napamasahe sa sentido. Noah chuckled and I glared at him.

Sumandal nang maayos si Noah sa couch at inihiga ako sa kanya bago masahiin ang sentido ko. "Relax, Sel. I'll talk to Erin first thing in the morning. Bata lang 'yong mga 'yon, hindi pa nila alam ang ginagawa nila."

"Tss..." hinawakan ko ang pulsuhan ni Noah. "Itaas mo pa nang kaunti."

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang imasahe ni Noah ang sentido ko. I'm just twenty-seven pero sa nangyari sa anak ko, parang magkakaroon na ako ng hypertension.

"Ikaw naman, Noah, nawala lang ako saglit, kung anu ano nang nangyayari sa anak ko!"

Humalakhak siya, "Babe, 'di ko naman mabantayan si Erin sa school niya at nagta trabaho rin ako."

"Kapag ihahatid mo si Erin bukas sa school, kausapin mo ang teacher niya. Ano 'yon? Hindi nababantayan ang mga bata kaya nakaka nakaw ng halik ang mga estudyante sa kapwa estudyante? My gosh, Noah! My daughter is only five years old! Five, Noah!"

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now