"You see Dani, sabi sa akin ng Manong mo noon. Marami siyang nakilala, maraming dumaan sa buhay niya at hindi niya pinagsisisihan yun kasi dahil sa mga yun nagkaroon siya ng basehan, natuto siya at nung nakilala niya ako he told me I'll be his end game. He knew better then. Nagkamali siyang muli, alam natin lahat yun, but I didn't condemned him. Mahal ko siya eh and I'll always end up fighting for us lalo na alam kong he is holding on too." I said in between breathing, I could still recall all the words he said when he proposed to me.

...

"Ngayon alam ko na why I had to have several relationships before and why it all ended." I frown and it made him grin.

"Wag magselos baby." He said and kissed the tip of my nose. Conceited. Hmp!

"Sabi nila, kapag nahanap ko na daw ang babaeng para sakin dun ko maiintindihan why others have to let me go, and why we had to fall apart. Thirdy told me that when I got my heart broken before you." Vague but I still listened, waiting for him to finish.

"Ikaw, na ikaw na ang para sakin dahil I am myself when I'm with you. I couldn't and wouldn't be anybody else, kanta ko nga di ba? 'Coz you bring out the best in me like no one else could do.." Shameless, he sings. I chuckled, Kiefer touched my cheek with his hand and the other held into my hand pretty tight.

"You are the one for me because I could never picture myself with anybody else but you." He added, I'm teary eyed.

"Baby, I'd be on my knees if you want me to." Damnsht. When he said it I just collapsed into crying, is it what I think it is? He kissed my hand.

"Sssh. Baby.." Kiefer's trying to hush me, pero hindi na. Iyak na ko ng iyak. Pinatayo niya ko and he kneeled in front of me, holding a shiny emerald ring I don't know where he kept all these time.

"Mika Aereen Reyes, please.. Please honor me the right to finally add something even more suitable to your almost perfect name. Will you please be my one and only Mrs. Ravena?"

...

"Pain makes us stronger. Hindi ko masasabi sayo ang dapat mong gawin Dani, walang kahit na sinong makakapagdikta sayo dahil may sarili kang isip. At hindi naman namin alam kung anong klaseng relasyon meron kayo. Nakikita namin, oo but that's not enough reason to stick our noses to your business dahil sa isang relasyon dalawa lang kayo. Hindi lahat alam ng ibang tao, kaya mas magandang sundin mo ang sa tingin mong makakapagpasaya sayo." Loving is not easy, wala namang bagay sa mundong ito na madaling makuha. Lahat dapat pinaghihirapan, hindi worth it kung madali mo lang nakuha ang isang bagay.

Easy come, easy go. Sabi ni Manong Bruno.

"Ate, hindi ko alam kung kaya ko pang lumaban kung parang sinuko niya na ako." Palahaw ni Dani saka sumubsob sa hita ko. I caressed he back and let her cry.

May mga lesson sa buhay natin na dapat nating matutunan, minsan it'll be the hard way para bang pasan mo ang mundo. Nakakapagod, nakakasawa, nakakaubos ng lakas. Mapapasabi ka pang, "Sana hindi na lang ako nagmahal." If you didn't learn and felt how to love and be loved back, I pity you. You're missing the good life. Love is not all about happiness and being together, love is also about pain and taking risks. There's sacrifices as well. Love comes naturally but it doesn't mean it's easy.

"Kung sinuko ka niya wag kang manghinayang, tatandaan mong hindi ikaw ang bumitaw. Siya. Ikaw makakakilala ka pa ng lalaking mamahalin mo katulad ng pagmamahal mo sa kanya ngayon o mas higit pa, and he'll love you back. Siya? Pwedeng makakilala siya ng babaeng susunod niyang mamahalin pero hindi katulad ng pagmamahal na kaya mong ibigay sa kanya." The turning point of my life was when I welcomed Kiefer back into my life, worries and fears are all around me. Masasabi ko ngang hanggang ngayon mayroon pa din akong takot na baka maulit ang nangyari noon, pero paano kung hindi na? Tuluyan na lang ba akong magsisisi? Tuluyan na lang ba akong mabubuhay sa, "What if hindi ganito ang nangyari?"

Noon... Back when we were boyfriend - girlfriend, naghiwalay kami. Akala ko yun na. That's it. The end. Pero nasaan na kami ngayon?

"Kailangan mong magtiwala sa puso mo, wag puro utak ang ginagamit." Itinuro ko ang ulo ko, "Kapag ito ang paiiralin mo safe ka. Hindi ka masasaktan, wais ka pero hindi ka rin totoong magiging masaya." Itinuro ko naman ang puso niya. "Pero kapag yan ang ginamit mo, whirlwind. Lahat ng emotion mararanasan mo. Matuto ka, eventually you'll find the happiness that you deserve. Ang mundo parang bola, bilog hindi parating masaya pero hindi rin parating malungkot."

"Hindi permanente ang sakit na nararamdaman mo ngayon, it would take time before it completely heals but it heals." I added. Niyakap niya ako.

"Ate, salamat kasi Ate kita. Buti na lang kahit unggoy si Manong hindi naman siya mang-mang. Kung pinakawalan ka niya ang tanga tanga niya. Ang tanga tanga niya forever, buti na lang hindi." She smirks, natawa na lang ako.

"Baliw ka talaga, big girl ka na talaga. NaBH ka na." Both of us chuckled.

"Sorry Ate inistorbo ko pa kayo ni Issa at Dos." Hinaplos niya ang tiyan kong may little bump na.

"I'm excited, feel ko baby girl to ulit Ate. Utang na loob palitan natin ang pangalan, kawawa naman siya kung magiging Dos ang name niya." Tumawa ako, kahit si Kiefer ayaw ng pangalan na Dos hindi ko din maintindihan pero nacucutan ako eh.

"Cute nga eh, Issa tapos Dos. O sige, Two na lang." Biro ko.

"Naku Ate!! I've had enough number in the family. Tama na si Kuya Thirds. Maawa ka." She made a face, natawa nanaman ako.

"Baliw mo din eh, pagtapos mong ngumalngal dito tatawa tawa ka jan."

"Ate ikaw na din ang nagsabi, ang mundo parang bola. Ayokong maging sad forever. Anjan kayo, kung wala siya edi kayo na lang. Tayo may forever." Dani leans her head against my shoulder.

"Of course Dan, we'll always be here for you." I assured her.

"Nakakabipolar ang pagibig na yan." Ngumiti ako.

"Parang candy, masarap pero nakakasira ng ngipin."

"Ang daming hugot! Idol eh." She says.

"Loka loka!" I shook my head.

Kiefer

"Babe wag ka na po magsundo, okay na si Kuya Fred na lang po. Dyan ka na lang sa bahay, wait for me." Nagaalala lang naman ako baka mapagod pa siya bumiyahe tapos magaantay pa pwede niya naman akong antayin sa bahay, siya lang naman uuwian ko. Traffic man, sa kanya pa rin ako babalik.

"Okay naman ako, and besides Issa is excited to see you kaya hindi mapakali. Don't worry I'm not driving anymore. Ang higpit kaya ni Kuya Fred." Aba dapat lang, binigyan ko ng instruction na hindi pwedeng lumabas ng bahay si Mika magisa.

"Talo naman ako sa inyo mag-ina. Okay sige, buti na lang miss na miss ko na kayo." Isang buwan lang pero feeling ko isang dekada na kong nakahiwalay sa mag-ina ko. Kaya pala si Coach Jimmy maagang nagretiro, even Dad. Mahirap kapag may pamilya ka, ang bigat iwan lagi.

"Good. Ikaw matulog ka na jan. Pumapayat ka na oh. Baka maging abs na tinubuan ng mukha ka jan ah, di na kita love." Tinakot pa ko.

"If I know kahit sabog pa nguso ko, o kahit ganito pa ilong ko hindi mo kayang tiisin ang charm ko." I wink.

"Kapal talaga. Negro, sige na. Say goodbye to Issa and Dos." Tumagilid siya at nakita kong natutulog si Issa, aww my little princess ang bilis lumaki.

"Goodnight Princess, my little phenom and of course the one and only love of my life."

"Daming alam. Love you." Dami daw alam eh namumula naman siya. Hays, matatapos din lahat ng ito babe. Halcyon days are coming for us. Love you.

"I love you, mahal kita."

Us HappenedWhere stories live. Discover now