Chapter 15

33K 966 192
                                    

warning 🔞

Aitana

ITO ANG UNANG beses na nakapunta ako sa bahay ni Lorenzo. Dalawang baranggay lang ang layo nitong bahay nya sa bahay namin. Simple lang ito at hindi naman ganun kalakihan. Dalawang palapag ito at kumpleto naman sa gamit at de aircon pa. Dalawa ang sasakyan nya sa garahe. Yung pick up truck na lagi nyang gamit kapag magduduty sya at isang mamahaling sasakyan na ginamit namin noong magpunta kami sa resort nya.

"Ilang taon ka ng nakatira dito?" Tanong ko sa kanya habang tumitingin tingin sa mga nakadisplay na picture nya dito sa kwarto nya. Infairnes wala talaga syang budol.

"Magsasampung taon na rin. Binenta sa akin to ng isang kakilala na nagmigrate na sa Amerika." Sagot nya habang nagaayos ng gamit nya sa bag.

Umupo ako sa kama nya at inagaw sa kamay nya ang mga damit nyang basta na lang nyang isasalaksak sa bag nya. Kunot noong tumingin sya sa akin. Tinaasan ko lang sya ng kilay at tinupi ng maayos ang mga damit nya at ako na ang naglagay sa bag nya. Nailang naman ako dahil pinapanood nya ang ginagawa ko.

Napapitlag ako ng marinig ang doorbell. Mukhang dumating na ang inorder nyang pagkain. Lumabas sya ng kwarto para kunin ang order. Ako naman ay inayos ang bag nya. Naginit pa ang pisngi ko ng mahawakan ang brief nya. Mabilis ko itong tinupi at nilagay sa bag nya.

"Sweetheart nandyan na ang pagkain, kain muna tayo." Untag ni Lorenzo sa akin na sumilip sa pinto ng kwarto nya.

Tumayo naman ako at lumabas ng kwarto nya. Hinawakan nya ang kamay ko at sabay na kaming bumaba. Ng makarating kami sa komedor ay bigla akong nakaramdam ng gutom ng maamoy ko ang pagkain na inorder nya. Nakaayos na ito sa lamesa. Lutong pagkain pala ang inorder nya at mukhang galing sa restaurant.

"Galing sa restaurant mo to?" Tanong ko ng makaupo na.

"Yes." Sagot nya at umupo na rin sa tabi ko. Sya pa ang nagsandok ng pagkain sa plato ko.

Nagumpisa na kaming kumain. Masarap ang pagkain sa restaurant nya. Ang sabi nya marunong din daw syang magluto. Paglutuin ko nga sya next time. Tapos bibidyuhan ko sya. Lihim akong napahagikgik sa naisip.

Tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa mesa. Kinuha ko ito at binuhay. Nagreply si tiyang Meding sa text ko. Nagpaalam kasi ako sa kanya na may pupuntahan kami ni Lorenzo.

"Sino yun?" Kunot noong tanong ni Lorenzo.

"Si tiyang, nag paalam kasi ako sa kanyang may pupuntahan tayo."

Tumango tango sya. "Anong sabi nya?"

"Wala naman, ok lang daw."

Ngumisi sya habang sumusubo ng pagkain.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Bakit?"

"Nothing."

Ngumuso na lang ako at pinagpatuloy na ang pagkain. Naubos namin ang inorder nyang pagkain.

"Mamimiss kita sweetheart." Anas nya sa tenga ko at hinalik halikan ako doon. Sinisinghot singhot pa nga nya ang amoy ko.

Nandito kami sa sala at nakaupo ako sa kandungan nya. "Dalawang araw ka lang naman doon di ba? At saka tatawag ka kapag may signal." Mamimiss ko rin kasi sya.

Tumango tango sya habang titig titig sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Hinawakan nya ang pisngi ko at bahagyang pinaling. Nagsalubong ang mga labi namin.

Sa umpisa ay masuyo lang ang galaw ng labi nya hanggang sa unti unting naging magaslaw. Naging malikot na rin ang dila nyang gumagalugad sa loob ng bibig ko. Madiin ang halik nya at malalim. Halos mapugto na ang hininga ko sa klase ng halik nyang parang sabik na sabik.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now