Chapter 3

31.9K 991 228
                                    

Aitana

NAPAIWAS AKO bigla ng tingin kasabay ng pag iinit ng aking pisngi ng ngumisi sya.

Shet! Baka isipin nya gwapong gwapo ako sa kanya. Well, slight lang naman.

Tumikhim ako at pinormal ang mukhang binalik ang tingin sa kanya.

"S-Sir yung ID ko po." Nauutal pa na sabi ko.

Tumaas naman ang isang kilay nya habang hindi pa rin napupuknat ang tingin sa akin. Naiilang na nga ako dahil parang tumatagos sa katawan ko ang mga tingin nya at parang nababasa nya ang nasa isip ko.

"ID mo? Nasa akin ba?" Tanong nya.

Tumaas din ang kilay ko. "Wala po sa loob eh. Sabi nung mamang pulis baka daw nasa inyo pa. Kayo kasi yung humuli sa akin kanina." Nakangusong sabi ko.

"Parang wala akong natatandaan na hinuli kita kanina." Aniya na matiim pa rin ang tingin sa akin pero ang mata ay nangingislap.

Napasimangot ako sa sinabi nya. Duda ako sa sinabi nya na hindi ako natatandaan. Malamang pinagtitripan lang nya ako.

"Talaga po ba sir hindi nyo ako natatandaan? Ako lang po yung hinabol nyo at hinarang kanina dahil natalsikan ko ng burak yung mukha nyo kaya ang baho nyo kanina." Pasarkastikong sabi ko.

Sya naman ang napasimangot. "Oo na, natatandaan na kita." Tila inis na sabi nya at may dinukot sa bulsa.

Lihim naman akong napangisi. Kala mo ha! Kahit malaki ka papalag ako sayo uy!

Paglabas ng kamay nya sa bulsa nya ay may hawak na syang ID na malamang ay sa akin nga. Tiningnan pa nya ito at ako. Palipat lipat ang tingin nya sa akin at sa ID na parang naninigurado kung ako nga talaga ang nasa picture sa ID. Nakakunot pa ang noo nya.

"Ikaw ba talaga to? Bakit parang iba ang hitsura mo dito sa ID?" Nagdududang tanong nya.

Napasimangot naman ako at sinilip ang ID kong hawak nya. "Ako po yan sir. Kita naman sa mukha ko di ba? Mukha ko yung nasa ID." Sabi ko.

"Eh hindi mo nga kamukha eh. Kahawig mo lang pero hindi mo kamukha. Baka naman nanay mo to."

Nahigit ko ang hininga at nanlaki ang mata sa sinabi nya. "Grabe kayo sir ah! Matagal ng patay ang nanay ko high school pa lang ako. At kinuha ko ang ID na yan 4 years ago pa lang. Kayo lang ang nagsabi na mukha akong nanay dyan."

"Wala akong sinabing mukha kang nanay. Ang sabi ko lang baka nanay mo to, so malamang kamukha mo ang nanay mo." Paliwanag nya.

Napanguso naman ako. "Akala ko sinasabi nyong mukha akong nanay eh."

"Tss, hindi ka kasi nakikinig sa mga sinasabi ko. Teacher ka pa man din." Aniya sabay ngisi.

Hindi na ako sumagot dahil baka iba ang lumabas sa bibig ko lalong hindi ko lang makuha ang ID ko.

"Ilang taon ka na?"

"Nakalagay po dyan sa ID ko yung birthday ko sir. Magbilang na lang kayo."

Pinandilatan nya ako ng mata. "Tinatanong kita ng maayos."

Napakagat labi ako at bahagyang napangiwi. Sabi na eh. Pahamak tong bibig ko eh.

"23 po sir." Sagot ko.

"Ah." Sambit nya at tumango tango. "Pwede na."

"O." Aniya at inabot sa akin ang ID ko. Agad ko naman itong kinuha.

"Sa susunod mag iingat ka sa pagmomotor masyado kang kaskasera. Kababae mong tao at teacher ka pa man din. At isa pa, kumuha ka na ng lisensya. Sa susunod na mahuli ulit kita.. yari ka na talaga sa akin." Sermon nya sa akin na may halong banta at matiim ulit akong tiningnan.

DG Series #1: Captive HeartDär berättelser lever. Upptäck nu