Chapter 2

32.3K 865 74
                                    

Aitana

NAPALUNOK AKO habang tumatahip sa kaba ang dibdib ko. Nakataas ang kamay ko habang nakatingala sa kapreng pulis na nasa harapan ko na galit na galit.

Bakit? Anong ginawa ko? Di ba ok na ko?

"You." Matigas at malaki ang boses na sambit nya habang matalim pa rin ang tingin sa akin. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Y-Yes sir? A-Ano pong problema?" Nauutal na tanong ko.

"Problema? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita ang ginawa mo kanina?" Asik nya sa akin. Nagiigtingan ang panga nya na at lumalaki butas ng matangos na ilong.

"Ginawa ko? Ano po bang ginawa ko?" Inosenteng tanong ko. Wala naman akong nakikitang problema dahil lusot na ako kanina sa isang pulis. Ang nakikita ko lang ay ang maitim na putik sa mukha nya na medyo masangsang ang amoy.

Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata sabay tuptop sa bibig. Teka? Kaya ba nya ako hinabol dahil sa putik nya sa mukha na mukhang tinalsikan ng dumaang sasakyan. Oo nga pala kanina may nadaanan akong lubak na may tubig hindi ko lang pinansin dahil nagmamadali ako. Muli akong napasinghap.

"A-Ako po ba ang may gawa nyan sir?" Nakangiwing tanong ko.

Malutong syang nagmura at namaywang. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Nakakaintimidate pa ang hitsura nya. Sino ba naman ang hindi? Eh ang laking tao nya at nakakatakot pa. Hindi nga yata lalampas sa balikat nya ang height ko eh.

"Sino pa ba? Kaya nga kita hinabol di ba?" Galit pa rin na sabi nya.

Nguniwi ako. Ako nga.

Sa taranta ko ay binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang isang pack ng wipes. Bumaba ako ng motor at tarantang pinunasan ng wipes ang mukha nya.

"Sorry po sir hindi ko po sinasadya. Nagmamadali po kasi ako dahil malelate na ako sa klase ko. Sorry po.. talaga.." Bahagyang napaawang ang labi ko ng malinisin ko na ang mukha nya at tumambad sa akin ng malinaw ang mukha nya.

Punyemas! Ang gwapong kapre pala ng pulis na to. Makapal ang kilay, mahahaba ang pilik na binagayan pa ng tsokolateng mata. Matangos na ilong, manipis na mamula mulang labi na mariing nakalapat. Sya na ang pinakagwapong pulis na nakita ko sa buong buhay ko, ay mali, pinakagwapong lalaki pala.

"Lisensya miss." Biglang sabi nya na matiim ang tingin sa akin. Napahinto tuloy ako sa pagpupunas ng mukha nya.

"Po?" Parang binging tanong ko.

"Sabi ko lisensya. Akina lisensya mo." Ulit nya. Hinawakan pa nya ang kamay kong may hawak na wipes at inalis sa mukha nya. Naiwan tuloy na nakabitin sa ere ang kamay ko. Doon ko lang din napansin na nakatingin na pala sa amin ang mga taong dumadaan pati mga kasamahan nyang pulis. Nagiinit ang pisngi at nahihiyang agad kong binaba ang kamay.

"Miss lisensya mo, akina." Untag ulit ng gwapong pulis sa akin.

"Lisensya? Aanhin nyo po ang lisensya ko?" Tanong ko. Muli akong sinipa ng kaba at tila doon lang nag sync in sa akin ang lahat. Nahigit ko ang hininga.

"Eh sir, wala po akong lisensya student permit lang po ang meron ako." Pangiwing ngiti na sabi ko.

Patay! Pa'no ko ba lulusutan to? Sa hitsura pa naman nya mukhang hindi madaling bolahin. At halatang mas mataas ang ranggo nya kesa sa mga ibang kasamahan. SPO1 Villegas ang nakasulat sa dibdib nya. Apelido pa lang gwapo na.

"Kahit na, patingin ako pati ID mo." Giit pa rin nya.

"Sir natingnan na po kanina ng kasama nyong pulis. Ok po ako." Palusot ko. Sana kagatin nya.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon