Chapter 26

34.6K 826 82
                                    

Warning 🔞

Lorenzo

"MAGANDANG UMAGA Lorenzo."

Lumingon ako mula sa pagkukutingting sa makina ng sasakyan. Nabungaran ko si Mang Estong na may hawak na plato na may nakapatong ng isang malaking mangkok na may lamang umuusok pang sotanghon.

"Mang Estong magandang umaga din ho." Bati ko rin sa matanda.

"Nagluto si Ising ng sotanghon, heto mainit na mainit pa." Nakangiting alok nya.

"Salamat ho." Sabi ko at nagpunas ng kamay sa basahan saka kinuha ang platong may mangkok na may lamang sotanghon.

"Nandyan na ba ang asawa mo?" Tanong nya at sumilip sa loob ng bahay.

Ngumisi naman ako. Asawa ko ang tingin nya kay Aitana dahil si Aitana lang naman ang babaeng inuwi ko dito sa bahay.

"Oho nasa loob nagluluto."

"Ah ganun ba, o sige balik na ko sa bahay baka makaistorbo na ako sa inyo." Paalam ni Mang Estong na may pilyong ngiti sa labi.

"Sige ho Mang Estong." Nakangising sabi ko at pumasok na sa bahay.

Napangiti ako ng maabutan ko si Aitana na naghuhugas ng mga tasang pinagkapehan namin. Sabado ngayon at day off ko kaya maaga ko syang sinundo sa kanila. Pinagpaalam ko sya kay tiyang Meding. Bukas ko na sya ng gabi iuuwi sa kanila. Sobra ko syang namiss dahil bibihira lang kami magkita nitong mga nakaraang linggo dahil busy sa istasyon. Tinatrabaho ko ang paghahanap ng solidong ebidensya hindi lang kay Julie kundi pati na rin kay Raymond Echevari at Don Conrado. Malapit na silang masakote. At sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin kong magtatagumpay na kami. 

"Sweetheart." Tawag ko kay Aitana at nilapag ang sotanghon sa ibabaw ng counter.

Lumingon sya sa akin.

"May binigay na sotanghon si Mang Estong mainit pa. Gusto mo?" Alok ko sa kanya.

Winisik wisik naman nya ang kamay at nagpunas saka lumapit sa akin. "Wow, mukhang masarap ah."

"Masarap talaga yan, magaling magluto si Manang Ising. Kain tayo habang mainit pa."

"Wait lang, kukuha lang ako ng mangkok at kutsara."

"Kutsara na lang ang kunin mo, salo na lang tayo dito sa mangkok para wala kang masyadong hugasin." Sabi ko.

Tumango tango naman sya at kumuha na ng dalawang kutsara. Ako naman ay tumungo sa lababo at naghugas ng kamay.

Masaya at magana naming pinagsaluhan ang mainit na sotanghon na bigay ni Mang Estong. Hindi ako mahilig sa sotanghon pero ngayon sarap na sarap ako dahil kasalo ko sya.

Sa pananghalian ay ako na ang nagpresintang magluto. Gusto kong magpaimress sa kanya para wala syang ibang lalaking nanaising makasama kundi ako lang. Marunong naman akong magluto. Para ano at nagtayo pa ako ng restaurant. Sinarapan ko talaga ang luto at hindi naman ako nabigo dahil sarap na sarap sya at marami pang nakain. Kahit malakas syang kumain sexy pa rin sya.

Wala naman kaming ibang ginawa dito sa bahay kundi manood lang ng movies sa netflix habang magkatabi kaming nakahiga dito sa sala. Naglatag lang kami ng kutson at unan. Pinipilit na nga nya akong matulog dahil wala pa akong tulog mula pa kahapon.

"Matulog ka na."

"Hindi pa ako inaantok." Malambing na sabi ko at nagsumiksik sa leeg nya habang nakayakap sa kanyang bewang. Ngayon na nga lang kami ulit nagkasama tutulugan  ko pa sya.

"Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo eh. Sige ka uuwi ako kapag hindi ka natulog." Banta nya sa akin.

Nag angat ako ng ulo at tiningnan ang mukha nya. Nakausli ang nguso nya. Sinulyapan naman nya ako. Tinaasan ko sya ng kilay at ngumisi. Aba, marunong ng magbanta sa akin ah.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon