Chapter 16

30.2K 818 68
                                    

Lorenzo

NAPANGITI AKO ng mabasa ang reply ni Aitana. Kahit hindi nya sabihin alam kong nag aalala sya sa akin. Nagtype ako ng reply sa kanya para sabahing nasa byahe na kami patungong Santa Luisa. Miss ko na sya agad. Maya maya lang pahirapan na ang signal lalo na pagtungtong namin ng bayan ng Santa Luisa.

Normal lang naman sa trabaho ko ang mapasabak sa ganitong delikadong operasyon. Pero kung noon ay wala akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin ngayon ay iba na. May isang tao ng naghihintay sa akin sa pagbabalik ko. At ayoko syang biguin kaya doble na ang pag iingat ko ngayon.

Inayos ko ang strap ng bullet proof vest ko. Dinouble check ko na rin kanina ang dalawang baril na dala ko pati na rin ang M16 na hawak hawak ko. Sampo kaming mga pulis ang nakasakay sa police truck at lahat kami ay armado at nakabullet proof vest. May convoy din kaming dalawang police mobile.

Ang mga kasamahan ko ay kanya kanyang hawak ng cellphone nila. Malamang ay katext o kachat ang mga mahal nila sa buhay. Kulang kulang tatlong oras ang byahe bago makarating sa bayan ng Santa Luisa. Pagdating namin doon ay sasalubungin na kami ng mga escort naming sundalo. Mapanganib para sa amin kung wala kaming escort na sundalo pagpasok namin sa bayan ng Santa Luisa dahil may posibilidad na tambangan kami ng mga rebelde na kasabwat din ng mga sindikatong pakay namin.

Ang bayan ng Santa Luisa ang pinakamahirap na bayan sa buong lalawigan. Ito din ang may pinakamaliit na populasyon at ayon sa datos tatlumpung porsyente ng populasyon ay myembro ng rebelde. Naging kanlungan din sila ng mga sindikato at kriminal na wanted sa batas kapalit ang malaking halaga. Bago namin gawin ang malaking operasyon ay makikipag pulong muna kami sa lokal na pamahalaan ng Santa Luisa. 

Makalipas ang dalawang oras ay halos puro puno na ang nadadaanan namin. Bibihira na lang ang bahay. May mangilan ngilan na poste na lang ang may sinding ilaw, ang ilan ay patay sindi pa. Malubak na rin ang daan. Ang signal sa cellphone ay pawala wala na rin. Malapit na kaming pumasok sa bayan ng Santa Luisa. Doon ay sasalubungin kami ng tropa ng AFP.

Natigilan kami ng biglang tumigil ang lulan naming police truck. Mukhang nabalahaw yata ang isa sa mga gulong. Tumigil din ang dalawang convoy ng mapansing hindi na kami umabante. Bumaba ang dalawang kasamahan naming pulis at tiningnan ang gulong. Pinailawan nila ito ng flashlight. Bumaba na rin ako para tingnan.

"Kamusta pare?" Tanong ko sa dalawa. Gumilid naman sila at pinakita sa akin ang gulong na nakalubog sa lubak na may makapal na putik.

"Ano? Kamusta?" Tanong ni Diego na syang nagdadrive.

"Lubog sa putik pare, pero kaya sa tulak yan." Sabi ko.

Nagsibabaan naman ang mga kasamahan naming pulis na nakasakay at pumuwesto na sa pagtulak. At sa hudyat ni Diego ay sabay sabay na kaming nagtulak. Hindi naman kami nabigo dahil naiahon na namin sa lubak ang gulong.

Habang nagkakaingay ang mga kasamahan ko ay may nauulinigan akong mga kaluskos na sumasabay sa ingay ng kuliglig. Nagmasid ako sa paligid at tinalasan ang pandinig. Puro puno ang nasa paligid at matataas na talahib. Iba ang pakiramdam ko. Hayun na naman ang mga kuluskos. May naririnig pa akong nababaling maliliit na sanga na tila natapakan. Lalong lumakas ang kutob ko na may mga taong nakamasid sa amin mula sa gubat. Wala pa kami sa entrada ng bayan ng Santa Luisa kaya hindi mga sundalo ang kung sinomang nagmamasid  sa amin at anumang oras at tatambangan kami.

"Sakay! Bilis! May mga kalaban!" Pasigaw na sabi ko sa mga kasamahan.

Agad naman silang tumalima at nagsiakyatan sa police truck sabay hawak sa kanikanilang M16 riffle at tinutok sa labas ng bintana. Pinasibad naman agad ni Diego ang police truck. Eksakto namang nagsilabasan ang ilang mga armadong kalalakihan mula sa nagtataasang talahib at pinaulanan kami ng bala na mabilis din namang sinagot.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now