Chapter 46

29.6K 871 62
                                    

Aitana

two weeks later..

LUMIPAS PA ang mga araw bumubuti na ang lagay ni Lorenzo. Ang bilis nga nyang makarecover. Pagaling na ang mga pasa nya sa katawan. Medyo paika ika pa nga lang syang maglakad dahil may tama sya sa kaliwang hita pero mabilis ng humihilom ang sugat. Isang linggo lang sya sa hospital at dito na sya sa bahay nya magpapagaling ng husto. Syempre ako ang nag aalaga sa kanya katuwang si Tita Mirasol. Ang bahay nya ay pinaayos na ni Tito Arnaiz at wala ng bakas na nilooban. May dagdag din na security.

Sa dumaang mga araw ay marami na ang nangyari. Binawian na ng buhay si Don Conrado. Si Congressman Raymond Echeveri ay tuluyan ng nakulong at nahaharap sa patong patong na kaso. Pero ang mas nakakagimbal sa lahat ng nangyari ay ang pagpapakamatay ni Julie sa loob ng piitan. Natagpuan sya sa banyo na nakabigti. Nagiwan pa sya ng sulat kay Lorenzo na humihingi sya ng tawad sa lahat ng ginawa nya. Kahit naiinis ako sa kanya ay nakaramdam din ako ng awa. Hindi ako pabor sa ginawa nya. Mas pinili pa nyang magpakamatay kesa magbagong buhay.

Si Lorenzo naman ay napromote. Pero hindi pa sigurado kung kelan sya babalik sa serbisyo o babalik pa ba. Dahil matigas si Tito Arnaiz sa utos nitong magretiro na sya. Alam kong ginagawa iyon ni Tito Arnaiz dahil nagaalala lang ito dahil sa nangyari sa kanya. Maging ako man ay yun din ang gusto ko, ang magretiro sya. Lalo na at magkakaanak na kami. Ayoko namang maaagang mawalan ng ama ang anak ko dahil sa trabaho nya.

Maingat kong hinahagod ang razor sa panga nya pababa sa leeg nya. May hawak akong bimpo na nakasahod sa may baba nya. Nandito kami sa banyo at inaahitan ko sya. Gusto ko na may balbas at bigote sya pero hindi naman yung sobrang kapal at haba.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin. Mukhang kanina pa nya ako tinitingnan. Naginit naman ang pisngi ko at bahagya akong ngumuso.

"Bakit?" Tanong ko.

Ngumiti sya. "Ang sarap mo namang mag alaga. Misis na misis ang dating mo." Aniya.

Mas lalo namang nag init ang pisngi ko. "Syempre boyfriend kita kaya dapat lang na alagaan kita." Sabi ko.

Tumawa sya at hinapit ako sa bewang ng bahagya. "Kaso ayoko ng maging boyfriend mo."

Napakunot noo ako sa sinabi nya. "Anong ibig mong sabihin?"

Kumagat labi sya at ngumiti. "Ang ibig kong sabihin ayoko ng maging boyfriend mo dahil gusto ko ng maging asawa mo. Pakasal na tayo sweetheart." Malambing na sabi nya. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.

Natigilan naman ako at napaawang ang labi. Bumilis ang pintig ng puso ko.

"N-Nagpo-propose ka na ba sa akin?" Manghang tanong ko.

Kinuha nya ang razor sa kamay ko at ang bimpo. Nilapag nya ito sa marmol na lababo. May dinukot sya sa bulsa ng khaki shorts nya. Napaawang ang labi ko ng makita ang kahitang kulay asul. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

"Pinabili ko to kay Kester sa hospital pa lang." Aniya at binuksan ang kahita.

Nahigit ko ang hininga ng tumabad ang singsing na may kumikinang na bato.

"I'm sorry hindi ko pa kayang lumuhod sweetheart but.. marry me please.." Anas nya. May lambong ng pagsusumamo sa mukha nya.

Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na aalukin nya ako ng kasal.

"S-Sigurado ka ba? Baka naman inaaya mo lang ako ng kasal kasi buntis ako."

"Of course not. Noon pa man kahit hindi ka pa buntis gusto na kitang ayain ng kasal. Iniisip lang kita dahil alam kong hindi ka pa handa dahil focus ka pa sa pagtuturo. Pero ngayon wala ng dahilan para hindi tayo magpakasal. Gusto ko bago lumabas si baby kasal na tayo. So marry me sweetheart please.."

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon