Chapter 41

23.9K 712 74
                                    

Aitana 

NANLAMIG ANG buong katawan ko sa nakita kong post sa social media. Nakaplaster ang mukha ni Lorenzo at ang mga pictures ng bahay nyang parang binagyo. Basag basag ang salamin ng bintana at mga nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay. Nakita ko pa nga sa picture ang bag ni laging ginagamit ni Lorenzo. At ayon sa caption ay pinaulanan ng bala ang bahay nya kagabi at nilooban ng may higit sampung kalalakihan. Kumalabog ng husto ang dibdib ko ng mabasa ang sumunod. Hindi na raw nakita si Lorenzo at tinangay ng mga lalaking nanloob.

Dali dali akong tumayo sa sofa at sumilip sa bintana. Wala ang mga kasamahan ni Lorenzo na nagbabantay sa labas. Kinuha ko ang susi ng motor. Nagmamadaling lumabas ako ng bahay.

"O Aitana, saan ka pupunta at nagmamadali ka? Aba'y namumutla ka pa." Ani Tiyang Meding na naggugupit ng tuyong dahon ng mga halaman nya.

"Pupunta ako sa istasyon tiyang." Sabi ko na hindi na magkandatuto sa pagsuot ng helmet.

"Aba'y baket?"

"S-Si Lorenzo tiyang, n-nawawala." Naiiyak ng sabi ko at natataranta.

"Ano? Anong nawawala?" Kunot noong tanong nya.

Lumunok ako para alisin ang bara sa lalamunan ko. "M-May dumukot po sa kanya kagabi tiyang sa bahay nya. Pinaulanan rin daw ng bala ang bahay nya."

"Susmaryosep! Totoo ba yan?"

"Opo tiyang, nakapost po sa social media. Pupunta po ako sa istasyon para makibalita." Agad na akong sumakay sa motor ko at pinaandar na.

"Mag iingat ka Aitana. Balitaan mo rin ako." Ani Tiyang Meding. "

Pinaharurot ko na ang motor ko. Kasing bilis ng takbo ng motor ko ang tibok ng puso ko. Kaya pala walang text si Lorenzo pag gising ko. Lagi kasi syang nagtitext tuwing umaga at naggu-good morning sa akin. Yun pala.. yun pala may nangyari na sa kanya. Nanlalabo ang mata ko dahil sa namumuong luha.

Pagkapark ko ng motor sa harap ng istasyon ay halos tumakbo ako papasok sa loob. Saktong palabas naman ang ilang grupo ng mga pulis. Nakilala ko ang ilang mga kaibigan ni Lorenzo lalo na si Elmer na nakita ako. 

"Ma'am Aitana." Bati nya sa akin.

"Elmer, a-ano ng balita kay Lorenzo? Nakita ko yung post sa social media." Tanong ko agad sa kanya.

Tumingin sya sa mga kasamahan nya at bumuntong hininga. "Wala pa ring balita sa kanya sa ngayon ma'am Aitana. Magsasagawa kami ng imbestigasyon sa bahay nya at maghahanap ng lead kung saan sya pwedeng dalhin ng mga lalaking yun na kumuha sa kanya."

Nanlumo ako sa sinabi nya at bahagyang nainis. "Ano? Magsasagawa pa lang kayo ng imbestigasyon? Kagabi pa nangyari ang pagdukot sa kanya tapos ngayon pa lang kayo gagawa ng imbestigasyon. Bakit hindi nyo agad sya sinaklolohan kagabi?" Naiiyak ng sabi ko. Halo halo na ang nararamdaman ko. Inis, kaba at takot sa posibleng kinahinatnan ngayon ni Lorenzo.

"Rumesponde naman kami kagabi, kaso nga lang.. nahuli na kami. Wala na kaming naabutan sa bahay nya. Nakita na lang namin sa cctv na tinangay sya ng may sampung lalaki."

"Eh kasi ang bagal nyo!" Di ko na napigilang sigawan sila na kanilang ikinasinghap. Tuluyan na nga akong naiyak. Alalang alala na ako kay Lorenzo. Kung ano ano na ngang pangit na senaryo ang pumapasok sa isip ko.

"Ma'am -- "

Tinaas ni Elmer ang isang kamay para patigilin sa pagsalita ang kasamahan nyang halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Hinarap ako ni Elmer at nakaguhit sa mata nya ang simpatya sa akin. Alam kong nagaalala din sya kay Lorenzo dahil malapit din nya itong kaibigan.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon