Chapter 8

31.2K 929 206
                                    

Third POV

SA KALAGITNAAN ng malalim na gabi ay may isang anino ang umaalialigid sa isang sarado ng bahay. Pasilip silip sya sa loob ng bakuran na tila naninigurado. Mukhang tulog na ang mga nakatira sa loob dahil patay na ang mga ilaw. Nakita pa nya ang isang single na motor na mukhang bagong bago pa. Pasimple pa syang lumapit sa nakasaradong maliit na gate. Hindi ito nakalock. Luminga linga muna sya sa paligid. Walang tao. Kung may tao mang dumaraan ay agad syang nagtatago sa mga halaman at lalabas kapag wala na. Lumapit sa kanya ang asong tinahulan sya kanina pero umamo ng bigyan nya ito ng tinapay.

"Shoo! Shoo! Dun ka!" Bulong na saway nya sa aso at tinaboy taboy ito. Lumayo naman ang aso.

Sumiple ulit ang lalaki. Lumapit sya sa maliit na gate at dahan dahan pinihit ang bakal na lock. Ng mabuksan ito at ay maingat nyang binuksan ang manipis na bakal na gate. Pumasok sya at lumapit sa pinto. Hinawakan nya ang doorknob at pinihit. Pero nakalock ito.

Naghanap sya ng ibang paraan para makapasok sa loob ng bahay. Tiningnan nya ang mga bintana pero nakalock din at kahit hindi nakalock ay mahihirapan din syang makapasok dahik may rehas na bakal na nakaharang.

Umikot naman sya sa likod ng bahay kung saan may pinto din doon. Gaya ng pinto sa unahan ay nakalock din ito. Pero hindi sya nawalan ng pag asa. Dinukot nya sa bulsa ang isang manipis na alambre na medyo baluktot sa dulo. Luminga linga ulit sya sa paligid. Pero mas safe sya dito sa likuran ng bahay dahil tago at hindi sya makikita ng mga dumadaan.

Ngumisi sya at tinuloy na ang balak. Sinuksok na nya ang alambre sa susian ng doorknob at kinalikot ito. Nagtagal pa ng halos ilang minuto ang pag kalikot nya bago na unlock. Napangisi sya ng mapihit na nya ang doorknob. Tinulak nya ang pinto pero natigilan sya ng hindi ito bumukas.

Tangna! May double lock!

Kumamot ang lalaki sa ulo sa inis. Akala nya makakapasok na sya sa loob hindi pa pala. Naisip nya ang pinto sa harapan ng bahay. Medyo delikado kung yun ang susungkitan nya dahil malaki ang tyansang makita sya ng dumadaan at mabulabog ang nasa loob. Sa presinto talaga ang bagsak nya.

Di bale matityempuhan din nya ito at makakapasok din sya sa loob. Nilisan na nya ang pinto sa likod ng bahay at umikot na sa harap.

"Luh, bukas yung gate nila ni Aling Meding."

Napahinto sa paglalakad ang lalaki at agad na nagtago sa malaking drum na nadaanan nya ng makarinig ng mga boses.

"Baka nakalimuran lang isara. May bisita sila kanina di ba?"

"Oo yung pulis na astig. Balita ko nanliligaw daw kay Ai."

"Sayang. Wala na talaga akong pag asa kay Ai."

"Wala ka na talagang pag asa brad. Pulis yun at malaking tao. Tirisin ka lang nun."

"Sarado nyo na lang yung gate baka may pumasok pa dyan."

Narinig ng lalaki ang tunog ng sinaradong gate. Maingay pa rin ang grupo ng mga tambay. Hinintay nya muna ang mga itong makaalis. Dahil kapag nahuli sya siguradong kuyog sya.

Ng makaalis na ang grupo ng tambay ay lumabas na sa pinagtataguan ang lalaki. Dahil sarado na ang gate ay inakyat na lang nya ito na hindi naman kataasan at tumalon. Yun nga lang sumabit ang shorts nya sa patulis na bakal. Napamura na lang sya. Ngunit ng mag angat sya ng tingin ay limang aso na ang nakatanghod sa kanya at mga nakalabas na ang pangil. Kinabahan sya. Tumahol na ang isang aso na sinundan pa ng isa. Dahan dahan syang naglakad at tinungo ang nakaparadang motor at mabilis na binuhay sabay pasibad. Humabol naman sa kanya ang limang aso..

Aitana

"NYEMAS! ANG HOT ni sir! Ang swerte mo insan ha." Pabulong na sabi sa akin si Benj habang kumakain ng kwek kwek at nakatingin kay sir Lorenzo na nasa sala at nagsecellphone. Sino kaya ang ka chat nya?

DG Series #1: Captive HeartUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum