Chapter 44

25.4K 904 151
                                    

Lorenzo

NANGINGINIG ANG kamay kong pinipirmahan ang statement paper. Sa tagal ng pagkakatali ng kamay ko pataas ay wala ng lakas ang mga braso ko. Matapos kong pirmahan ang papel ay nilapag ko ang ballpen.

Nakangising dinampot naman ni Raymond ang papel at sinuri. "Kung hindi ka na sana nagmatigas eh di hindi na sana tayo aabot sa ganito."

Napaismid ako. "Basta hindi nyo gagalawin ang nobya ko." Magaspang ang boses na sabi ko. Nanunuyo na ang lalamunan ko at nananakit na. Mula ng pakawalan nila ako mula sa pagkakagapos ay doon ko na naramdaman ang panghihina ng katawan ko.

"Wag kang magalala may isang salita ako." Ngingisi ngisi pa ring sabi ni Raymond at sinenyasan ang dalawang tauhan na pumunta sa aking likuran at hinawakan ako sa dalawang braso at tinayo sa upuan. Tinalian nila ang dalawang kamay ko sa likod.

"Monti." Tawag ni Raymond sa tauhang pinagkakatiwalaan. Wala syang sinabi at tinanguan lang ito.

Napangisi ako. Alam ko na ang kahihitnan ko paglabas ko sa silid na to. Wala silang balak na buhayin ako.

"Ilabas nyo na yan." Utos ni Don Conrado.

Inakay naman ako ng dalawang tauhan palabas ng silid na ilang araw kong kinasadlakan. Halos kaladkarin na nila ako dahil sa bagal ng lakad ko. Pati mga binti ko ay hinang hina na. Nadaanan ko pa si Julie sa bungad ng pinto. Nakatingin sya sa akin na tila may gustong sabihin. Nginisihan ko lang sya.

Paglabas namin ng silid ay nilibot ko ang mata. May malapad at mahabang hallway. Maraming kwarto. Sa loob ng mga kwarto ay may nakita akong hospital bed. Mukhang nasa isang abandonadong hospital kami. At noon ko lang napagtanto na gabi pala dahil sa kadiliman na nakakalat sa labas.

"Ang bagal mo namang maglakad. Bilisan mo nga!" Sigaw sa akin ng isang tauhan na mahigpit na nakahawak sa isang braso ko.

Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin. Nangilag naman sya ng bahagya.

"T-Tinitingin tingin mo dyan? Gusto mo ngayon pa lang todasin na kita ha?" Nandidilat ang matang banta nya sa akin sabay bunot ng baril sa bewang nya.

"Easy ka lang Kanor." Saway naman ni Monti na nasa likuran namin.

"Eh ito kasi. Masamang makatingin. Parang lalaban."

Iniwas ko na ang tingin sa lalaki. Hindi ko na sya dapat pagaksayahan ng lakas. Kailangan kong mag isip at maging listo kahit nanghihina. Hindi pwedeng mamatay ako sa lugar na ito.

Malikot ang galaw ng mata ko at pinapakiramdam ko ang sarili. Bagama't nanghihina ang pakiramdam ko ay alam kong kaya ko pang makipagpambuno sa dalawang lalaking may hawak sa akin. Pero hindi ako sigurado kay Monti na alam kong hindi rin basta basta. Mas lalo pang naging malikot ang mata ko ng malapit na kaming lumabas ng gusali. Nakikita ko na ang malawak na talahiban. Naririnig ko na rin ang ngisihan ng dalawang tauhan na may hawak sa akin. Pinakiramdaman ko rin si Monti na nasa likuran ko na parang wala lang. Pasimple ko syang nilingon. Nakasuksok ang isa nyang kamay sa bulsa habang ang isa naman ay may nakaipit na sigarilyo. Nagtama ang tingin namin. Nginisihan nya ako, nginisihan ko rin sya.

Ilang hakbang na lang ay tatapak na ako sa lupa. Alam kong ililigpit na nila ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Pagtapak ko sa lupa ay tatakbo ako sa talahiban.

Pero hindi pa man ako nakakaapak sa lupa ay may narinig akong tila mga ingay. Tunog ng mga truck na pamilyar na pamilyar sa akin. May naulinigan din akong mga sigawan. Tumigil ang dalawang tauhan.

"Ano yun?" Tanong ni Kanor at lumingon sila sa pinanggalingan namin. 

Naging alerto naman ako at pasimpleng kinakalagan ang tali sa likod.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon