Chapter 20

34.2K 751 134
                                    

Third POV

"CHEERS IHO!"

Pinagpingki ng magtiyuhin ang hawak nilang baso na may lamang alak at sabay na ininom. Nagsecelebrate sila dahil sa matagumpay na transakyon sa mga intsik. Milyones na naman ang nadagdag sa personal bank accounts nila. Tiningnan ng magtiyuhin ang mga tauhan nilang nagkakasiyahan din matapos ibigay ang kanikanilang porsyento. May nagiinuman at nagsusugal.

"Kapag palaging ganito ng ganito ang transaksyon natin kaya na nating bilhin ang buong lalawigan." Ani Don Conrado sabay tawa ng malutong. Sinenyasan nya ang isang tauhan na salinan ang baso nya ng alak. Agad naman itong tumalima.

"Mangyayari yan uncle kapag ako na ang gobernador ng lalawigan." Nakangising sabi ni Raymond. Sa susunod na eleksyon ay tatakbo sya sa pagkagobernador. Mas madali na ang takbo ng transaksyon kapag sya na ang naging gobernador. Buburahin nya sa lalawigan ang lahat ng kumakalaban at humahadlang sa plano nya.

"Basta sipagan mo pa ang panliligaw sa mga tao iho para mapalagay na ang loob nila sayo. Para sa susunod na eleksyon hindi na sila magdadalawang isip na pangalan mo ang ilagay nila sa balota."

Tumango tango si Raymond sa sinabi ng tiyuhin habang sinisimsim ang alak sa kanyang baso.

"Pero dapat din nating bigyan ng credit at malaking bonus ang inaanak ko. Kung hindi dahil sa kanya hindi magtatagumpay ang transakyon."

"Mabuti nga at bumawi sya sa kapalpakan nya."

"Wala pa ba sya?" Tanong ni Don Conrado sa mga tauhan nya.

Tumayo naman ang isang tauhan at sumilip sa labas. Sakto namang may papasok na sasakyan sa malaking gate na binuksan ng mga tauhan na nakabantay.

"Oh nandyan na pala sya."

Huminto ang sasakyan sa harap ng mansion ni Don Conrado at bumaba ang isang babae na nakacrop top at hapit na pantalon. Pumasok ito sa mansion at binaba ang suot na shades.

"Hi ninong!" Bati ng babae kay Don Conrado at bumeso.

"Hello Julie, mabuti naman at nakarating ka iha."

"Syempre, hindi ko mapapalagpas ang celebration na ito." Lumapit si Julie kay Raymond at lumambitin sa batok nito. "Hi babe." Kinabig nya ang batok nito at mapusok silang naghalikan. Walang pakialam kung maraming mata ang nakatingin sa kanila.

Tumikhim si Don Conrado. Tumigil naman sa halikan ang dalawa.

"Get a room, you two." Nakangising sabi ni Don Conrado.

Tumawa lang ang dalawa at muling nagsanib ang kanilang mga labi.

Napailing na lang si Don Conrado. Mamaya ay kukuha din sya ng babae sa bagong bar sa Consolascion para hindi naman sya maiinggit sa dalawa.

Aitana

MAGKAHAWAK ANG kamay namin ni Lorenzo habang papasok kami sa bagong tayong restaurant nya dito sa bayan. Kagagaling lang namin sa simbahan at dito kami dumiresto para kumain. Binati kami ng mga staff nya at giniya sa isang bakanteng mesa.

"Pare." Tumayo ang isang matangkad at malaking lalaki na nakaupo sa mesang nadaanan namin.

"Pare." Bati din ni Lorenzo at nagtapikan sila sa balikat.

Bahagya naman akong napanganga habang pinagmamasdan ang lalaki. Gaya ni Lorenzo ay gwapo din ito, malaki ang pangangatawan at malakas ang dating.

"Mabuti naman dumalaw kayo dito sa restaurant ko." Sabi ni Lorenzo na binati din ang babaeng may kandong na baby na kasama ng lalaki sa mesa.

"May bibilhin kami ni Ivy sa mall at ipapasyal na rin si baby. Nabanggit mo nga na may bago kang bukas na restaurant kaya dumaan na kami dito para kumain." Sabi ng lalaki na tumingin pa sa akin at nginitian ako. Nahihiyang ngumiti din ako at mahigpit na napakapit sa braso ni Lorenzo.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now