Chapter 42

24.1K 696 74
                                    

Aitana

LUMIPAS PA ang ilang araw ay wala pa ring balita kay Lorenzo. Para na akong mababaliw sa pagaalala at sa kaiiyak gabi gabi. Kahit hindi gabi ay bigla na lang akong iiyak. Pabalik balik din ako sa istasyon para makibalita kahit na ba lagi naman akong ina-update ni Elmer at ni Jeiz. Pero pare-parehas lang ang sinasabi nila. Hindi pa nakikita si Lorenzo at ongoing pa rin ang paghahanap. Ilang araw na simula ng mawala sya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakikita kahit anino nya.

Walang kabuhay kabuhay akong lumabas sa opisina ng principal.

"Baks." 

Napapitlag ako ng may humawak sa braso ko. Nilingon ko si Macy.

"Baks, ikaw pala." Matamlay na bati ko sa kanya.

Bumuntong hininga sya at hinimas ako sa braso. "Pinagalitan ka na naman ba ni Miss Maascad?"

Marahan akong tumango at bumuntong hininga. Sinabayan ako ni Macy sa paglalakad. Hindi naman talaga ako pinagalitan kundi pinagsabihan lang. Alam din kasi ni Miss Maascad ang pinagdadaanan ko.

"Baks, magleave ka kaya muna." Suhestiyon ni Macy.

Lumigon ako sa kanya. "Ayoko baks, lalo lang akong mababaliw kapag walang ginagawa." Sabi ko.

"Kesa naman palagi kang paggagalitan ni Miss Maascad dahil hindi ka makapagconcentrate sa pagtuturo. Maapektuhan din pati mga estudyante mo." Mahinahong paliwanag nya sa akin.

"Ano naman ang gagawin ko? Magmumukmok sa bahay? Iiyak? Para na nga akong mababaliw sa kakaisip at kaiiyak eh."

Tumingin lang sya sa akin at bakas sa mukha ang awa at pag aalala. Kapag walang klase ay lagi nya akong sinasamahan at laging kinakausap. Alam ko namamg ginagawa nya yun para hindi ako masyadong malungkot at magisip.

"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko baks. Hangga't hindi ko nakikita si Lorenzo ng buhay.. h-hindi matatahimik ang loob ko. Alalang alala na ako at takot takot. Nagiisip kung ano na ang kalagayan nya ngayon." Naiiyak na namang sabi ko.

Hinaplos haplos ni Macy ang likod ko. "Naiintindihan kita baks. Isipin mo na lang na buhay na babalik si Lorenzo. Hindi pa sya nakikita may posibilad na buhay pa sya at tinatago lang mga hayop na yun."

"P-Pero paano kung.. -- "

"Shh, wag mong iisipin ang mga bagay na yan na lalo lang magpapabigat sa loob mo. Think positive lang. Sa dami ng naghahanap kay Lorenzo makikita rin sya."

"Yun na nga eh, sa dami ng naghahanap sa kanya hanggang ngayon di pa rin sya n-nakikita." Pumipiyok ng sabi ko.

Niyakap ako ni Macy at hinagod hagod ang aking likod. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ang ganitong pakiramdam na parang naghihintay ako ng sintensya ni kamatayan.

Pagdating ng uwian ay sinabayan na ako ni Macy sa traysikel. Pinagbabawalan kasi akong magmotor ni Tiyang Meding dahil lagi daw akong wala sa sarili. Yung huling nagmotor ko nga ay muntik na akong makasagasa.

Third POV

UMAALINGAWNGAW ANG bawat suntok at hampas ng malapad na kahoy ng dalawang lalaki sa halos hubad na katawan ni Lorenzo. At sa bawat suntok at hampas ay impit syang dumadaing. Namamanhid na nga ang katawan nya at parang wala na lang ang sakit ng bawat latay ng malapad na matigas na kahoy at kamaong may bakal sa katawan nya. Nagtatawanan pa ang dalawang lalaki at mga bantay na naroon.

"Sayang ka talaga pogi. Kung hindi ka sana nagmamatigas kanila bossing eh di hindi mo sana dadanasin to." Nakangising sabi ng isang bantay na nakatayo sa gilid at naninigarilyo.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon