Chapter 36

28.1K 780 96
                                    

Macy

NAPANGANGA AKO ng pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko si Benj na maraming bitbit na plastic bag. Parang biglang nawala ang antok ko. Mukhang galing syang palengke. Tuloy tuloy syang pumasok at dumiretso ng kusina. Sinundan ko sya roon.

"Ano yan?" Manghang tanong ko.

"Mga pinamili ko." Sagot nya at isa isa na nyang nilabas ang mga pinamili nyang isda at karne, may mga gulay at itlog pa.

"P-Pero bakit namalengke ka?"

"Dahil walang laman ang ref mo. Hindi na ako masyadong nakakapunta dito sa bahay mo dahil busy ako sa isang salon ko baka mamaya kung ano anong walang sustansyang pagkain na naman ang kainin mo mangayayat ka na naman." Pasermon nyang sabi.

Hindi nga sya masyadong nakakapunta lately dito sa bahay dahil busy sya sa bagong salon nya sa kabilang baranggay. Bagama't lagi naman nya akong sinusundo sa school pauwi. Sa umaga lang minsan hindi. At naiintindihan ko naman dahil bagong tayo ang salon nya at kailangan nya talagang tutukan yun.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sya. Akala ko talaga mula ng mangyari ang insidenteng pang-i-eskandalo ni nanay ay iiwasan na nya ako pero hindi mas lalo pa syang naging maalaga sa akin. Hindi ako nagkamali ng lalaking minahal. Ang swerte ko sya ang naging boyfriend ko. Oo boyfriend ko na sya, official ng kami.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya sa likuran sabay hilig ng pisngi sa malapad nyang likod. Ang bango bango talaga nya. Mas mabango pa nga sya sa akin eh.

"O bakit hindi ka pa naliligo? Alas sais na, maligo ka na para makapag almusal ka na. Isasangag ko lang ang bahaw at magpiprito ako ng hotdog at itlog." Sabi nya.

Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Samahan mo kaya akong maligo." Sabi ko sa nanghihibong boses sabay haplos ng kamay sa matigas na tiyan nya.

Natigilan naman sya at bahagyang nanigas ang katawan. Napangisi naman ako. Alam kong naapektuhan sya.

Tumikhim sya at binaklas ang mga braso kong nakayakap sa kanya at bahagyang lumayo sa akin. "Ay nako, maligo ka na. Wala tayong matatapos kapag sabay tayong maliligo. Malelate ka pa." Aniya na biglang naging uneasy.

Alam ko kaunting push pa bibigay na sa akin yan. Ganun naman palagi. Pero kapag naumpisahan na, sya naman ang hirap bumitaw at ako ang pagod na pagod.

Kinuha ko na ang tuwalya at pumasok na sa banyo. Baka tuluyan na akong malate kapag bumigay sya sa pang aakit ko.

Napakunot ang noo ko ng abutan ako ng 10k ni Benj. "Ano to?"

"Para sa'yo yan." Kaswal lang na sabi nya.

"Ha? Bakit mo ko binibigyan ng pera?" Nagtatakang tanong nya.

"Alam kong kakapusin ka ng budget dahil nagpadala ka ng pera sa nanay mo tapos nagbayad ka pa ng bahay, kuryente at tubig." Sabi nya at pinagduldulan pa sa akin ang pera.

"P-Pero may pera pa naman ako." Kakasweldo ko lang noong nakaraang araw at nagpadala nga ako ng kalahati kay nanay. Humihirit pa nga sya dahil kulang daw. Pero wala na talaga akong maidadagdag dahil nagbayad ako sa bahay, tubig at kuryente.

"Magkano? 3k? Paano mo pagkakasyahin yun sa isang buwan?" Nakataas na kilay na tanong ni Benj.

Naumid naman ang dila ko. Paano nya nalaman? Siguro tiningnan nya ang wallet ko.

"Sige na kunin mo na yan para kung may gusto kang bilhin mabibili mo. Kapag nashort ka sabihin mo lang sa akin."

Kumagat labi ako at tumingin lang sa perang hawak nya. Kinuha naman nya ang kamay ko at nilagay doon ang pera.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now