Chapter 43

24.8K 772 128
                                    

Third POV

NAPAPAKAMOT SI Jeiz sa kilay habang pinapanood si Kester at Atlas na iniinterogate ang lalaking dinukot nila na nagngangalang Ernesto. Treinta anyos at dating isang jeepney driver na ngayon ay isa na sa mga tauhan ni Don Conrado. Matigas pa rin ito ay ayaw magsalita kung saan nagtatago ang mga amo nito.

Hindi sana sya pabor sa suhestiyon ng mga kaibigan na dukutin na lang ang taong to para ituro kung saan tinatago ng mga amo nito si Lorenzo. Pero wala na silang oras. Kailangan mahanap na agad si Lorenzo bago pa mahuli ang lahat. Alam nilang buhay pa ang kaibigan. Kung iaasa lang nila ang lahat sa kapulisan ay medyo matatagalan talaga dahil may proseso pang sinusunod ang ahensya. Si Atlas ang nakatukoy sa lalaking ito. Kung paano nito ginawa hindi nila alam. Malamang ay umupa ito ng kung sino na namang tao na handang gawin ang lahat para sa pera kahit iligal pa. Ang importante may tao ng makakapagturo kung nasaan ang kaibigan nila.  Kaya hindi na sila nagpatumpiktumpik pa.

"Kahit ano pang pagbabanta at pananakot nyo wala pa rin kayong malalaman sa akin." Pagmamatigas ni Ernesto na nakaupo sa bangko at nakatali ang mga kamay sa likod. Sinikmuraan ito ni Atlas na ikinubo nito.

"Matigas talaga tong gagong to. Gusto pa yatang magpabugbog."  Komento ni Atlas.

"Mukhang matindi ang loyalty nya sa mga amo nya." Ani Kester.

"Hindi pa kasi masyadong napipiga kaya ayaw magsalita." Si Matias na humihithit ng sigarilyo habang mataman lang nakatingin kay Ernesto na puro pasa na ang mukha dahil sa natamong mga suntok mula sa dalawang kaibigan.

"Eh di pigain natin ng husto hanggang sa kusa na syang magsalita at ituro kung nasaan ang lungga nga mga amo nya." Sabat ni Luigi sabay kasa ng baril at tutok sa lalaki. Nanlaki naman ang mga mata ni Ernesto at napalunok. "Sasabihin mo ba kung nasaan ang lungga ng mga amo mo o idadamay ko ang asawa at mga anak mo -- "

"Pare." Sita ni Jeiz kay Luigi. Hindi na dapat madamay ang inosenteng pamilya ng taong to. Wala ang mga itong kinalaman.

"Fine, kapag hindi ka nagsalita babarilin kita." Banta ni Luigi kay Ernesto.

Ngumisi naman si Ernesto. "Eh di barilin mo."

Pero napasigaw si Ernesto ng iputok nga ni Luigi ang baril sa binti nito. Pati silang apat ay nagulat sa ginawa ni Luigi.

"Uy pare, wala sa usapan natin yan." Sita ni Kester kay Luigi.

"Hamo sya Kes, siguro naman magsasalita na yang gagong yan. Dahil kung hindi pa sya magsasalita ako naman ang babaril sa kabilang binti nya." Sabi ni Matias na binuga ang usok ng sigarilyo pataas.

"O ano? Magsasalita ka na o yung kabila naman ng binti mo ang babarilin." Banta naman ni Atlas.

Hindi naman makasagot si Ernesto at kagat kagat lang ang labi dahil sa sakit na sumigid sa binti nya. Naiihi na sya sa sakit. Baka maubusan na sya ng dugo at mamatay sya. Ayaw nyang mamatay. Kawawa ang mga anak nya.

"Ayaw pa yatang magsalita eh." Muling kinasa ni Luigi ang baril at tinutok sa kabilang binti ni Ernesto.

"Ugh -- oo na! Oo na! M-Magsasalita na ako!" Bulalas ni Ernesto.

Lumapit na si Jeiz sa lalaki. "Puwes magsalita ka na bago pa bulungan ng demonyo tong kaibigan namin at kalabitin ulit ang gatilyo. Saan tinatago ng mga amo mo si Lorenzo Villegas?" 

Lumunok muna si Ernesto habang napapangiwi. Tagaktak na rin ang pawis nya. Sobrang sakit na rin ng binti nya. Ramdam nya ang pag agos ng dugo nya sa binti. At kapag nagpatuloy pa iyon ay mauubusan sya ng dugo.

"Ano? Magsalita ka! Kung hindi babarilin ulit kita." Banta ni Luigi.

"S-Sa abandonadong hospital." Napapangiwing sagot ni Ernesto.

DG Series #1: Captive HeartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ