Chapter 4

30.3K 877 99
                                    

Aitana

NAPAPAKUNOT AKO ng noo habang gumagawa ng lesson plan dito sa sala. Paano ba naman ang ingay ni tiyang sa labas. May nawawala daw sa kanya. Tinanggal ko ang air pod ko at sinara ang lesson plan. Tumayo ako at lumapit sa pinto.

"Ano po bang nangyayari tiyang?" Tanong ko at kumamot sa pisngi.

Hawak hawak ni tiyang ang ipitan ng mga panty nya.

"Yung isang panty ko nawawala. Nilabhan ko lang yun kahapon at sinabit dito sa labas ngayon wala na." Tungayaw pa rin nya.

"Eh saan naman napunta yun?"

"Hindi mo ba sinuot? Baka sinuot mo?" Akusa nya sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko. "Luh! Bakit ko naman isusuot ang panty nyo tiyang eh ang boring nun." Sabi ko. Mamahalin ang mga panty ni tiyang dahil inoorder nya ito sa eybon. Pero di ko naman bet dahil boring ang style nito pang may edad talaga.

Sinamaan nya ako ng tingin. "Eh sinong kumuha ng panty ko eh tayong dalawa lang ang nandito?"

"Aba malay ko po! Tingnan nyo pa ang suot ko eh." Binaba ko ng kaunti ang garter ng shorts ko at pinakita sa kanya ang suot kong panty.

Napakamot naman sya ng ulo. "Eh nasaan na kayo yung panty ko. Kebago bago pa lang nun at isang beses ko pa lang nasusuot.

"Baka naman nasa labahin mo tiyang." Sabi ko at nakitingin na rin sa ibang sinampay namin na nakasilong. Umulan kasi kahapon buong maghapon kaya hindi natuyo lahat ng nilabhan.

"Wala na akong labahin nilabhan ko na lahat."

"Eh saan naman kaya napunta yung panty nyo?" Napapakamot na rin ako sa ulo habang tinutulungan si tiyang na maghanap ng pantyng nawawala.

"Anyare? Bakit mukha kayong problemadong dalawa dyan?" Tanong ni Benj na kapapasok lang sa maliit naming gate. Halatang bagong gising sya.

"Nawawala ang panty ni tiyang na eybon." Sabi ko. 

"What? Nawawala rin ang panty ni tiyang?" Bulalas nya at napahawak pa sa dibdib na tila gulat na gulat.

"Oo kanina pa nga nya hinahanap dito sa sampayan. Tinutulungan ko na nga."

"Omg! Nawawala din ang panty ni tiyang. Eh sila Aling Maring at si Dina naghahanap din ng nawawalang panty nila kanina. Mga bago daw. Yung kay Aling Maring di pa daw nya nasusuot at nilabhan lang. Yung kay Dina naman isang beses pa lang daw nya nasuot." Sabi nya.

Napalingon kami sa kanya ni tiyang Meding.

"Nawawalan din sila ng panty?" Tanong ni tiyang Meding.

"Opo tiyang, kaya nga ako nagising kasi ang ingay ingay nila mga nagbubunganga. Pinagbibintangan ang ilang kapitbahay."

"Eh ako nga pinagbintangan din ni tiyang na sinuot ko ang panty nya eh." Sabi ko.

"Aba'y malay ko, baka mamaya tinago mo lang." Bira ni tiyang Meding sa akin.

"Grabe po kayo sa akin tiyang ha."

"Hindi ba kayo nagtataka? Sabay sabay kayong nawalan ng panty." Ani Benj na napapaisip.

Tinaasan ko sya ng kilay. Pero agad akong napasinghap ng magets ang ibig nyang sabibin.

"Baka may nangunguha." Bulalas ko.

"At sino naman?" Tanong ni tiyang Meding.

"Malamang taga dito lang din sa atin. Siguro gustong ibenta kasi puro underwear na bago ang nawawala eh." Sabi ni Benj.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now