Chapter 35

30.3K 766 78
                                    

Lorenzo

NAPANGITI AKO ng paglabas ko ng banyo ay tulog na tulog pa rin si Aitana. Mukhang napagod ko talaga sya ng husto kagabi. Biglang kumislot ang alaga kong natatakpan lang ng tuwalya. Kakagaling ko lang sa shower pero nag iinit na naman ang pakiramdam ko. Kinalma ko ang sarili at pumasok sa walk in closet. Gustuhin ko mang manatili sa tabi ng dalaga pero kailangan ko ng bumaba dahil dumating ang mga kaibigan ko. Nalaman kasi nilang nandito ako sa Manila.

Pagkabihis ko ay nilapitan ko muna si Aitana at hinalikan sa noo. Inayos ko rin ang kumot nya. Mag aalas nuebe na ng umaga pero mahimbing pa rin ang tulog nya. Balak ko nga ipasyal sya at ipagshopping sa mall. Siguro mamaya na lang bago kami umuwi. Lumabas na ako ng kwarto at maingat na sinarado ang pinto.

"O bakit ikaw lang? Nasaan si Aitana?" Tanong ni mommy na nasa sala.

Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. Hindi ko nakita si daddy. Malamang ay nasa library room.

"Tulog pa mom, napagod kagabi." Kaswal na sabi ko.

Kumunot naman ang noo ni mommy. "Napagod kagabi? Bakit? Ano bang ginawa nya kagabi?"

Hindi naman ako makasagot at napakamot na lang sa ulo. Alangan namang sabihin ko ang ginawa namin kagabi.

Napasinghap si mommy at nanlaki ang mata. Mukhang nakuha na nya ang ibig kong sabihin.

Pinalo nya ako sa braso. "Loko ka anak, baka mabuntis mo ng wala sa oras si Aitana. Alalahanin mo teacher yan."

"I know ma, saka nag iingat ako. At kung sakaling may mabuo eh di may apo na kayo." Natatawang sabi ko.

"Oo nga no, pero hindi pa rin. Dapat nasa tamang oras yan at pagplanuhan nyo. Baka mamaya masira ang career nya sa pagtuturo."

"Yes mom, alam ko ho yan. Don't worry. Kung sakaling mabuntis agad si Aitana pakakasalan ko naman agad sya."

Ngumiti naman si mommy. "Talagang mahal mo sya no."

"Mahal na mahal mom."

"I'm so happy for you iho, sige na labasin mo na ang mga kaibigan mo at mukhang namiss ka yata. Ipaghahanda ko kayo ng kape at makakain."

"Thanks mom, puntahan ko na sila."

Sa may malawak naming porch naroon ang mga kaibigan ko minus Jeiz and Luigi. Nagbatian kami. More than two months na yata kaming hindi nagkikita dahil pare parehas kaming busy sa mga trabaho namin. Lalo na ako dahil sa tawag ng tungkulin. Hindi naman kagaya nila na hawak nila ang oras nila. But knowing them hindi sila nagpapabaya sa mga negosyo nila.

"What brought you all here?" Tanong ko sa kanila.

Kay mommy pala nila nalaman na nandito ako. Nagkatawagan daw kasi kagabi ang mama ni Atlas at si mommy at nabanggit nga ni mommy na nandito ako.

"Well, i-invite ka sana namin mag golf pare. Matagal tagal na rin mula ng nakapag-golf tayo. Baka kalawangin na ako." Ani Kester.

"Invite your girl na rin pare." Segunda ni Atlas.

Golf ang karaniwang bonding naming magkakaibigan kapag magkakasama kami.

"Sorry mga pare, pero hindi kami pwede." Napapahimas sa batok na sabi ko.

Halos sabay naman silang tumingin sa akin.

"Kailangan na rin kasi namin bumalik ni Aitana sa bayan ng Inocencia mamaya. Parehas pa kaming may pasok kinabukasan. Pumunta lang kami dito dahil naglalambing si mommy."

Tumango tango naman sila.

"We understand pare." Wika ni Matias.

"Nasaan na nga pala si Aitana?" Tanong ni Kester.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon