Chapter 32

30K 726 80
                                    

Aitana

"SWEETHEART."

Naikuyom ko ang kamao at matalim na tumingin kay Lorenzo lalo na kay Julie na mataray din akong tiningnan at may tinatago pang ngisi sa labi. Humigpit tuloy ang hawak ko sa plastic na bitbit ko. Kung hindi lang ako isang guro at tinuruan ni Tiyang Meding ng magandang asal ay hinampas ko na sa kanya ang hawak kong plastic na may lamang dalawang lata ng kondensada at mga prutas.

"Sweetheart." Muling tawag sa akin ni Lorenzo na tumayo na.

Tumingin ako ulit sa kanya at mabigat na bumuntong hininga sabay talikod at walk out palabas ng restaurant. Narinig kong nagpaalam pa sya kay Julie. Tsk!

Binilisan ko ang lakad habang palinga linga at naghahanap ng traysikel. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakadama ng ganitong ngitngit. Yung puso ko parang sinasakal at tila hirap akong huminga. Yung parang gusto kong magwala at mag amok ng away. Alam kong selos tong nararamdaman ko. Sino ba namang hindi magseselos? Kasama ng boyfriend ko ang babaeng dati nyang dinidate tapos nagsinungaling pa na pauwi na yun pala nakikipag date pa. Yung unang nakita sila ni Benj ay pinalampas ko. Nilawakan ko ang pang unawa ko na baka aksidente lang silang nagkita. Pero ngayon.. Ilang beses na ba silang nagkikita ng ganito?

"Sweetheart."

Mas binilisan ko pa ang lakad ng marinig kong tinatawag nya ako. Ayoko syang kausapin. Sinungaling sya.

"Aitana sandali."

Di ko sya nilingon. Ng makita kong medyo maluwang ang kalsada ay akmang tatawid ako pero may malaking kamay ang humawak sa braso ko.

"Sweetheart -- "

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Singhal ko sa kanya at matalim syang tiningnan.

Natigilan naman sya at nagulat sa pagsinghal ko sa kanya. Pilit kong binabawi ang braso kong hawak nya pero hindi pa rin nya ito binibitawan. Mabibigat na ang bawat paghinga ko.

"Let's talk sweetheart." Mahinahong sabi nya.

"Talk mo mukha mo! Sinungaling! Bitawan mo ko! Uuwi na ko!" Muling singhal ko sa kanya.

Muli na naman syang natigilan. Nakakuha na rin kami ng atensyon sa mga taong dumaraan. Pilit ko pa ring binabawi ang braso ko pero wala talaga syang balak bitiwan ito.

"Mahihirapan kang makahanap ng masasakyan. Ihahatid na kita."

"Eh di maglalakad ako. Ayokong sumabay sayo. Si-Sinungaling ka." Basag ang boses na sabi ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Mabilis ko naman itong pinahid ng kamay.

"Shit!" Hinila nya ako at niyakap. Nagpumiglas naman ako pero humigpit lang ang yakap nya sa akin. Patuloy naman sa pagpatak ang luha ko.

"Pasok muna tayo sa sasakyan. Mainit dito. Doon tayo mag usap." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Hila hila nya ako pabalik sa restaurant kung nasaan ang sasakyan nya. Wala akong ginawa kundi nagpatianod na lang sa kanya.

"Enzo."

Nilingon namin ang tumawag sa kanya. Napasimangot ako ng makita si Julie na palabas ng restaurant. Pasimpleng nginisihan nya ako. Inirapan ko naman sya.

"Mauna na ako Julie." Sabi ni Lorenzo at binuksan ang pinto sa passenger seat.

Napakunot noo naman si Julie. "Paano yung pinag uusapan natin?"

"Some other time na lang."

Napaikot ang mata ko at pumiksi sa hawak ni Lorenzo. Padabog na umakyat ako sa sasakyan papasok sa passenger seat. Agad naman akong inalalayan ni Lorenzo at nilagay ang kamay sa ibabaw ng ulo ko.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now