Chapter 10

31.8K 829 127
                                    

Aitana

SINALANSAN KO ang mga quiz paper na pinasa ng mga estudyante ko. Katatapos ko lang magpa short quiz sa kanila at ngayon mga ay recess time na nila. Ang iba ay may kanya kanyang dalang baon ang iba naman ay sa canteen bumibili.

Nilabas ko ang baon kong biscuit at mineral water. Ito lang ang kakain ko ngayon dahil nagalmusal naman ako kanina sa bahay.

"Teacher Ai."

Nagtaas ako ng tingin at nakita sa harapan ko si Pengpeng na nakangiti. Medyo nagkalaman laman na sya ngayon hindi gaya dati. Nakatulong ang vitamins na iniinom nya. Ganundin ang mga kapatid nya ng makita ko sila ng dalawin ko sila last week. Maging ang tatay nga nyang si Mang Hunyo ay umaayos na rin ang lagay at nakakapaghanapbuhay na bagamat tuloy tuloy pa rin ang paggagamot nya.

"Ano yun Peng?" Nakangiti ding tanong ko at nilapag ang hawak na ballpen.

"Pinabibigay po ni tatay." Aniya at nilapag sa lamesa ang plastic bag na puti na may tupperware. Sinilip ko ito. Biko ang laman ng tupperware na paborito namin ni tiyang Meding.

"Uy salamat, paborito namin ni tiyang ito. Nagabala pa si Mang Hunyo." Sabi ko.

"Birthday po kasi ni nanay ngayon at paborito nya yan kaya nagluto po si tatay at naisip nyang bigyan po kayo."

"Salamat. Sabibin mo rin sa tatay mo salamat."

Tumango tango sya. "Wala pong anuman Teacher Ai. Maliit na bagay nga lang po yun kumpara sa ginawa nyo po sa amin."

Nginitian ko sya. "Eh kamusta na kayong magkakapatid? Ang tatay mo? Hindi na ba inuubo at nilalagnat?"

"Ayos lang po kami nila TinTin at Junjun. Mabibigat na nga po sila eh at malalakas ng kumain. Si tatay po naman ay maayos na maayos na ang pakiramdam. Hindi na po sya inuubo ng malala at nilalagnat. Nakakapagkalakal na nga po sya eh. Pero titigil na rin po sya sa pagkakalakal dahil magtitindahan na po kami." Kwento nya.

"Talaga? Aba, maganda nga yan!" Sabi ko. Atleast hindi na mauulanan at maaarawan sa daan si Mang Hunyo. Kung magtitindahan na sya ay sya bahay na lang sya at mababantayan pa ang dalawang bata.

"Opo, may dumating po kasi sa bahay namin na taga DSWD kasama ni sir Enzo at iba pang mga pulis. Irerelocate na daw po kami at tutulungan magtayo ng tindahan para si tatay hindi na daw po mangalakal at may magbabantay na sa dalawa kong kapatid."

Good news nga ibinalita nya at masaya ako para sa kanila.

"Kasama din si Lorenzo ng taga DSWD na dumalaw sa inyo?" Tanong ko.

"Opo, tiningnan po kasi nila yung bahay na pasugalan.At ang sabi po ng DSWD lahat daw po na nakatira sa looban ay ililipat na at gigibain na po yung malaking bahay na pasugalan para daw po hindi na bumalik yung mga manunugal."

"Ah ganun ba." Hindi kasi nabanggit sa akin yun ni Lorenzo. Mamaya nga tanungin ko sya.

"Eh saan naman kayo lilipat? Baka naman malayo?" Tanong ko.

"Yung iba po sa malayo. Pero kami po malapit lang din sa amin. Yun po kasi ang pakiusap ni tatay na sana sa malapit lang kami dahil nagaaral pa nga po ako. At si sir Enzo daw po ang bahala sa titirhan namin.

Tumaas ang kilay ko at tumango tango ako. "Mabuti naman. Maganda nga yan. Sa sabado dadalawin ko kayo ulit."

"Sige po Teacher Ai. Sasabihin ko po kay tatay para po makapaghanda."

"Naku wag na, mapapagastos lang kayo. Titingnan ko lang naman ang lagay nyo."

Kumamot sya sa ulo. "Kayo pong bahala Teacher Ai."

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now