Chapter 9

31.3K 882 134
                                    

Aitana

NAHIGIT KO ang hininga. Tila nga hindi ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko na tila tinatambol. Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa kanya? Ano ba ibig sabihin nito? Na gusto ko rin sya? Hindi no!

Tumikhim ako. "Tatapatin na kita sir Lorenzo."

"Ano yun? Na gusto mo rin ako?" Nakangising sabi nya.

Muntik pa akong masamid sa sariling laway. "H-Hindi no!" Angil ko sa kanya.

"Eh bakit nauutal ka?"

"Eh nabigla ako sa sinabi mo eh. Teka lang kasi, ako muna ang pagsalitain mo."

"Ok."

Muli akong tumikhim at bumuntong hininga. Kailangan sabihin ko na kung ano ang nasa loob ko.

"Alam mo kasi sir Lorenzo sa totoo lang.. hindi kita type." Diretsahang sabi ko at tumingin sa kanya.

Tumingin din sya sa akin at nangunot ang noo. Kinagat ko naman ang loob ng pisngi ko. Hayan na. Siguradong may violent reaction na naman sya.

"Anong ibig mong sabihing hindi mo ko type?" May bahid ng inis ang boses na tanong nya.

"Hindi kita gusto." Sagot ko sabay nguso.

"At ano naman ang type mo?" Inis pa ring tanong nya.

"Yung ano, yung kasing edad ko lang. Yung malapit lang sa edad ko." Halos pabulong na sagot ko. Kinakabahan ako dahil baka lalo syang mainis.

"At ako?" Taas kilay na tanong pa nya. Pero may tonong nagbabanta na parang maling sagot ko lang ay yari ako sa kanya.

"Ikaw ano.. S-Sa totoo lang sir Lorenzo gwapo ka naman talaga. Matangkad, macho at maganda ang estado sa buhay. Kaya lang kasi.."

"Kaya lang ano?"

"Ano.. masyado ka kasing ma.. ma -- "

"Ma ano?" Nagbabanta na ang himig ng boses nya.

Paano ko ba sasabihin?

"Ma.. matured! Masyado kang matured sa akin sir Lorenzo. Kaya sa tingin ko hindi tayo bagay." Lakas loob na sabi ko.

Ngumisi sya. "Tss, ikaw lang ang nagsasabi na hindi tayo bagay."

Ngumuso ako kasabay ng panlalaki ng butas ng ilong ko.

Bumuntong hininga sya. "Look Aitana, alam kong masyado akong matured sayo at malaki ang agwat ng edad natin. Bakit hindi mo muna ako kilalanin? Wag kang tumingin sa edad ko sweetheart. Kahit naman malaki ang tanda ko sayo kaya ko pa rin namang makipagsabayan sa mga lalaking kasing edad mo. Bigyan mo ko ng pagkakataon na patunayan sayo ang sarili ko. And I promise you hindi kita bibiguin."

Naumid ang dila ko sa sinabi nya. Ngayon ko lang sya narinig na ganito kaseryoso magsalita. Medyo naguilty naman ako.

Siguro nga dapat ko syang bigyan ng pagkakataon. Kikilalanin ko rin syang mabuti kung sya na ba ang lalaki para sa akin na gaya ng sinasabi ni tiyang Meding.

Bago nya ako ihatid sa school ay nagalmusal muna kami sa karinderyang bukas na nadaanan namin na may nagtitinda ng lugaw, tokwa at baboy. Gaya ko ay hindi pa rin pala sya nag aalmusal. Alas syete daw ang duty nya at alas syete din mamayang gabi ang out nya.

***

Inocencia Police Station

Third POV

"HI SIR ELMER." Nakangiting bati ni Julie sa SPO1 ng tumapat sya sa desk nito at kausap ang ilang patrolman. Hindi naman talaga pag uusap ang ginagawa ng mga ito kundi chismisan. Mas tsismoso pa nga itong mga lalaki kesa sa mga kasamahan nyang mga babae.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon