Chapter 7

30.7K 852 181
                                    

Aitana

PAKANTA KANTA ako habang binabanlawan ang hinugasang pinggan na pinagkainan namin ni tiyang Meding. Humikab ako. Nakaramdam na ako ng antok kaya malamang ay maaga ako nito makakatulog. Napagod kasi ako kaninang umaga pero ayos lang worth it naman.

"Hindi ba pulis kayo?"

"Yes ho misis, SPO1 Lorenzo Villegas ho."

"Ay miss lang SPO1 Villegas, dalaga pa ako."

Natigilan ako sa pagpupunas ng kamay ng marinig kong tila may kausap si tiyang sa labas.

"Ano ho bang sadya nyo SPO1?" Dinig kong tanong ni tiyang.

"Nandyan ho ba si Aitana?"

Napasinghap ako ng marinig ang pamilyar na boses. Bumilis ang tibok ng puso ko. Boses yun ni sir Lorenzo!

"Si Aitana? Yung pamangkin ko? Aba'y bakit ho? May ginawa ho ba sya? Ano hong ginawa ng pamangkin ko? Naku! Talagang batang yan!"

"Ah wala ho ma'am. Nandito ho ako para manligaw sa kanya."

Tila ako tinulos sa kinatatayuan at nahigit ko pa ang hininga ng malinaw ko ng marinig ang malaki, magaspang at malalim na boses ni sir Lorenzo. Shet! Nandito sya!

"Manliligaw ka sa pamangkin ko?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni tiyang.

"Oho ma'am."

"Ay naku, pasok kayo SPO1."

"Lorenzo na lang ho ma'am."

"Ay sige Lorenzo, tawagin mo na lang akong tiyang Meding. Pasok ka, pasok ka iho."

"Salamat ho tiyang Meding."

"Walang anuman iho, feel at home. Teka lang tatawagin ko ang pamangkin."

"Aitana! May bisita ka!" Tawag sa akin ni Tiyang.

Naipikit ko ng mariin ang mata at napakagat labi. Mukhang seryoso nga talaga ang kapreng pulis na yun sa panliligaw nya. Akala ko talaga nangtitrip lang sya eh.

"Aitana, ano ka ba? Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka pa ba tapos maghugas?" Ani tiyang ng pumasok ng kusina.

"O tapos ka na palang maghugas. Lumabas ka na may bisita ka." Nakangiting sabi nya at tila excited pa nga.

"S-Sino po tiyang?" Kunwaring walang alam na tanong ko.

"Si SPO1 Lorenzo Villegas. Hindi mo sinabi sa akin na kilala mo pala ang pulis na yun at manliligaw pa sayo. Kuh! Kaswerte mong bata ka! Mantakin mo ang sikat pa na pulis sa bayan na to ang manliligaw mo."

"Kilala nyo po sya tiyang?" Manghang tanong ko.

"Aba'y oo naman! Palibhasa puro pageant lang ang alam mo. Kaya hindi mo alam na sikat na sikat sa buong bayan yang si SPO1. Hay jusko! Nai-star struck pa rin ako sa kanya. Mas gwapo sya sa malapitan. Ang tangkad tangkad, ang laki pa ng katawan at ang bango bango pa. Hindi ako makapaniwalang nandito sya sa bahay natin at manliligaw sayo. Kaya pamangkin, wag mong sasayangin ang pagkakataon. Sagutin mo agad sya." Dagdag pa ni tiyang na tila kilig na kilig pa. Napangiwi naman ako. Parang biglang nawala ang pagka mahinhing Maria Clara ni tiyang Meding.

"Sige na lumabas ka na. Harapin mo na sya." Udyok pa nya sa akin.

"Eh tiyang, di pa ako tapos. Pupunasan ko pa yung mga pinggan." Nakangusong sabi ko. Sa totoo lang ayokong harapin si sir Lorenzo.

"Kuh! Ako ng bahala dyan. Sige na labasin mo na sya at baka mainip na." Aniya at kulang na lang ay itulak ako palabas ng kusina.

Napakamot naman ako sa ulo. Kasi naman ih! Bakit kasi pumunta punta pa sya! Ayokong magpaligaw sa kanya! Di ko sya type!

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now