Chapter 45

27.9K 953 122
                                    

Aitana

MAGANA KAMING kumakain sa hapag habang nagkukwentuhan tungkol sa pinagbubuntis ko. Pagkagaling namin sa hospital kanina ay dito na ako sa bahay diniretso nila Tita Mirasol at Tito Arnaiz. Inimbitihan sila ni Tiyang Meding na dito na rin maghapunan. Kasalo din namin si Benj at si Macy.

"Congrats baks! Super happy ako para sayo kasi magkakababy ka na rin. Di ka rin nagpakabog ha." Bati sa akin ni Macy na katabi ko sa bandang kaliwa ko.

Bahagya naman akong tumawa sa sinabi nya. Oo nga magbestfriend talaga kami.

"Yan, ganyan. Tumawa ka rin paminsan minsan hindi yung lagi kang nakasimangot. Baka mamaya paglabas ni baby mo nakasimangot din." Dugtong pa ni Macy.

Ngumiti naman ako. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaalamang buntis ako. Pero mas gagaan ang loob ko kung nandito si Lorenzo. Miss na miss ko na sya ng sobra. Siguradong tuwang tuwa sya kung nandito lang sya.

Kinurap kurap ko ang mata para pigilan ang pamamasa nito dahil baka maiyak na naman ako. Nakakahiya naman sa kanila nasa gitna kami ng hapunan.

"Iha, kain ka lang ng kain. Heto humigop ka ng mainit na sabaw para mainitan ang sikmura mo." Inusod ni Tita Mirasol sa tabi ng plato ko ang mangkok na may mainit na sabaw ng nilaga.

"Thank you po tita." Sabi ko at nginitian sya.

"Basta wag ka ng magpapalipas ng gutom. Lagi ka ng kakain sa tamang oras para malusog si baby habang lumalaki sa tiyan mo." Paalala nya sa akin.

Tumango tango naman ako. Ngayong magkakababy na ako hindi na pwedeng magmukmok ako ng magmukmok na lang. Kailangan ko ring alagaan ang sarili ko para sa baby ko, sa baby namin ni Lorenzo.

Sana magpakita ka na sa amin Lorenzo. Miss na miss na kita..

Pagkatapos ng hapunan ay sa sala kami nagtipon tipon. Pinagpapahinga na nga nila ako pero hindi pa ako inaantok. Nakatulog kasi ulit ako kanina sa hospital. Kami ni Macy ang magkatabi sa sofa habang nagkukwentuhan. Si Benj naman ay bumalik sa parlor nya para magsara. Si Tiyang Meding at Tita Mirasol ay may kanya kanya ding kwentuhan habang si Tito Arnaiz ay nasa labas at as usual may kausap na naman sa phone. Sa pagkukwentuhan namin ni Macy tungkol sa pagbubuntis naming ay dalawa ay kahit papaano ay nababaling sa iba ang isip ko.

"Honey." Pumasok si Tito Arnaiz at tumingin sa amin isa isa. Napansin kong medyo namumula ang mata nya na parang naiiyak.

"Yes honey?" Tanong ni Tita Mirasol.

"Tumawag si Esmundo, nakita na si Lorenzo."

Halos sabay kaming tumayo ni Tita Mirasol. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"N-Nakita na po si Lorenzo tito?" Tanong ko.

Tumingin sya sa akin at tumango. "At buhay sya, isusugod na sya ngayon sa hospital."

Natuptop ko ang bibig at tahimik na humikbi. Nakakabingi ang malakas na kabog ng dibdib ko. Niyakap ako ni Macy.

"Diyos ko ang anak ko! Buhay sya! Salamat po! Salamat po!" Humahagulhol na sabi ni Tita Mirasol at yumakap kay Tito Arnaiz. "Abangan na natin sya sa hospital honey. Gusto ko ng makita ang anak natin."

Tumango naman si Tito Arnaiz. "Sige pupunta tayo ng hospital ngayo din."

"S-Sasama po ako." Singit ko. Gusto ko na ring makita si Lorenzo. Sabik na sabik na akong makita sya. Gusto kong malaman ang lagay nya.

Tumango naman sila sa akin. Agad naman akong pumunta ng kwarto at nagbihis.

Kinse minutos ang nakalipas ay nasa hospital na kami na pagdadalhan ni Lorenzo. Wala pa sila. Pero ang sabi ni Tito Arnaiz ay malapit na raw. Palakad lakad ako sa waiting area habang pisil pisil ang kamay. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Maging si Tita Mirasol ay hindi rin mapakali.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now