Chapter 47

30.5K 750 53
                                    

Aitana

"CONGRATULATIONS BAKS!" Bati ko kay Macy at niyakap sya. Masayang masaya ako para sa kanya dahil kasal na sila ni Benj.

"Thank you baks. Sa wakas cousin in law na kita." Natatawang sabi nya na medyo naluluha pa. Ang ganda ganda din nya sa ayos nya. Sa salon sya ni Benj inayusan at talagang mabusisi si Benj sa pagaayos sa kanya. Kanina nga si Benj pa ang nagretouch sa kanya.

"Congrats insan." Bati ko rin kay Benj at niyakap sya. Gwapong gwapo ang hitsura nya ngayon sa suot na puting bottom down long sleeves at slacks na itim. Lalaking lalaki ang dating nya. Di mo aakalain na nagmamayari sya ng mga salon.

"Thanks insan." Ani Benj na naluluha din. Bakas din sa kanyang mukha ang saya. Hinawakan nya sa kamay si Macy.

Binati rin sila ni Lorenzo na nasa tabi ko. Lumapit na rin sila Tiyang Meding, Tita Mirasol, Tito Arnaiz at ang nanay ni Macy at ang amain nya para bumati. Nagpicture taking muna kami bago dumiretso sa reception.

"Talagang magbestfriend kayong dalawa ha. Sabay pa kayong magbuntis. Eh ikaw kelan ka naman ikakasal Miss Mangubat?" Tanong ni Miss Maascad.

"Sa ikalawang buwan na po." Nakangiting sabi ko.

"Sa huwes rin ba?"

"Sa simbahan po. Imbitado rin kayong lahat."

Tuwang tuwa naman si Miss Maascad at mga co teachers namin na imbitado rin. Mesa nga yata namin ang pinakamaingay sa reception.

Si Lorenzo ay iniwan muna ako rito sa mesa ng mga co teachers ko at doon muna sya sa mesa nila Tiyang Meding at ng mommy at daddy nya. Pero panay naman ang sulyap nya sa akin na parang mawawala ako sa paningin nya.

"Eh kelan ka naman babalik sa school? Namimiss ka na ng mga estudyante mo. Kaya mo na ba?" Tanong ulit ni Miss Maascad.

Tumango naman ako. "Tatapusin ko lang po yung araw ng leave ko then babalik na po ako. Namimis ko na nga rin ang mga estudyante ko eh." Napagusapan na rin namin ni Lorenzo na babalik na ako sa pagtuturo. Maglileave na lang ulit ako kapag kabuwanan ko na.

"Mabuti naman at natutuwa rin akong makitang ayos ka na. Naku mas sanay akong pasaway ka kesa makitang ganoon ka." Sabi pa ni Maascad.

Nahihiyang ngumiti naman ako at napakamot sa ulo. Kahit may pagkaterror si Miss Maascad pero isa rin sya sa mga taong umalalay sa akin noong panahong para na akong mababaliw dahil hindi pa nakikita si Lorenzo.

"Salamat po ma'am." Sabi ko.

Nagpatuloy pa ang kasiyahan sa reception. Halos kaming mga teacher ang maiingay. Lalong lalo na ang mga co teachers namin na mga wala pang asawa.

Nilingon ko ang pwesto nila Lorenzo. Nakikinig sya sa kwentuhan ng mga kasama nya sa mesa at nakikitawa rin. Tumingin sya sa akin at ngumiti sabay kindat. Napanguso ako at naginit ang mukha. 

"Aitana."

Nilingon ko si Benj na tinawag ako. Magkadikit sila ni Macy at tila may kung anong tinitingnan sa cellphone.

"Si tatay hinahanap ka." Ani Benj at tinuro ang cellphone.

Tumayo naman ako at nagpaalam sa mga co teachers ko. Pinuntahan ko ang mesa ng bagong kasal na katabi lang ng mesa nila Lorenzo.

Napangiti ako ng makita si Tiyong Toto. Kinamusta nya ako. Hinanap pa nya si Lorenzo na tinawag ko naman. Tumayo sya at lumapit sa amin. Inakbayan nya ako at halos magdikit ang mukha namin na kaharap si Tiyong Toto. Nag alala rin kasi si Tiyong Toto ng malaman ang nangyari kay Lorenzo. Hindi sya nakadalo sa kasal ni Benj dahil naextend pa ang kontrata nya ng anim na buwan. Hindi rin sya makakadalo sa kasal namin ni Lorenzo. Pero bago kami manganak ni Macy ay nandito na sya sa Pilipinas.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon