Chapter 38

27.3K 797 174
                                    

Aitana

MAINIT NA halik ang pinagsasaluhan namin ni Lorenzo dito sa sala nya. Katatapos lang ng mainit na tagpo namin sa kwarto nya at parehas na kaming nakabihis. Parang ayaw pang mapuknat ng labi namin sa isa't isa.

"Hmm.. can't get enough of you sweetheart.." Anas nya sa pagitan ng mariing halik.

Ako rin naman, parang ayaw ng bumitaw sa kanya. Naaadik na yata ako sa kanya. Pero gumagabi na at kailangan ko ng umuwi dahil may pasok pa ako bukas.

Habol namin ang hininga ng maghiwalay ang mga labi namin. Pinagdikit nya ang mga noo namin at nagtama ang aming mga hininga.

"Fuck.. parang ayaw na kitang iuwi sa inyo sweetheart.." Bulong nya.

Kinagat ko ang ibabang labi. "Pero kailangan mo na akong iuwi ngayon dahil may pasok pa ako bukas. Baka magtaka na rin si tiyang." Sabi ko.

Tumango tango naman sya at hinalikan naman ako sa noo. Magkahawak kamay na lumabas na kami ng bahay nya. Ihahatid lang nya ako sa bahay, doon na din sya kakain at uuwi na rin sya dahil may pasok din sya bukas.

Habang nasa gitna kami ng byahe ay hinalughog ko ang bag ko. Ang alam ko may isang piraso pa ako ng after pill. Binuksan ko ang maliit na bulsa sa loob ng bag ko at doon ko nga nakita ang tableta. Dinukot ko ito. Inabot ko naman ang mineral water na nakalagay sa gitna namin ni Lorenzo. Dala dala ko to kanina mabuti na lang hindi ko inubos. Nilagay ko ang tableta sa bibig ko at tinungga ang mineral. Napansin ko namang patingin tingin sa akin sa rear view mirror si Lorenzo.

"Anong gamot ang ininom mo sweetheart? May sakit ka?" Kunot noong tanong nya bagamat may tonong nag aalala.

"Wala, after pill lang yun." Kaswal lang na sabi ko at tinapon ang basyo ng pill sa maliit na basurahan na nasa lapag ng sasakyan pati na rin ang basyo ng mineral water.

Napansin ko namang malalim syang bumuntong hininga.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nothing sweetheart." Aniya na muling tumingin sa akin sa rear view mirror at ngumiti. Bagamat ang ngiti nya ay tila tipid lang. Pinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil baka may iniisip lang sya sa trabaho. Dahil hindi pa naman tapos ang misyon nila dahil hindi pa nakukulong ang tatlo at puro mga sangkot pa lang.

Kinuwentuhan ko na lang sya ng kung ano ano para naman maaliw sya kahit papaano. Kinuwento ko sa kanya ang araw ko sa school. Ang mga makukulit kong estudyante. Lalo na si Pengpeng na malaki na ang pinagbago ngayon. Nanaba na sya at bibong bibo na sa klase. Baka nga maungusan na nya ang kasalukuyang top 1 sa klase. Natuwa naman si Lorenzo sa kwento ko. Nagkwento din sya sa buhay ng mag aama na ngayon nga ay nakatira na sa isa sa paupahan nyang apartment. Maging si Mang Hunyo ay nanaba na rin at naging masigla pagkatapos nitong maggamutan sa baga. Ang dalawa pang anak ay gumanda din ang pangangatawan. Syempre nagpasalamat din ako sa tulong nya.

"Kung hindi dahil sayo malamang nandun pa rin ang mag aama sa lugar na yun." Sabi ko sa kanya at yumakap sa braso nya sabay hilig ng pisngi.

Tumawa sya at hinalikan ako sa ulo. "You're welcome sweetheart. At deserved ni Mang Hunyo at ni Pengpeng at ng mga kapatid nya ang second chance na magkaroon ng maayos na buhay. Lalo na si Pengpeng matalinong bata at maasahan." Sabi nya.

Napangiti ako at tumingala sa kanya. "Kaya ako nainlove sayo ng tuluyan eh. Kahit may pagkaaroganteng pulis ka at lagi mo akong binubwisit noon may mabuting puso ka naman." Sabi ko.

Dati ayaw na ayaw ako sa kanya kahit na gwapong gwapo ako sa kanya. Dahil bukod sa napakaarogante nya at nakakainis ay malaki pa ang agwat ng edad namin. Eh di ko naman bet ang lalaking sobrang tanda sa akin. Pero ngayon halos ayoko ng bumitaw sa kanya. Tama nga si Benj. Masarap magmahal ang mas matanda sayo, alagang alaga nya ako. May boyfriend na ako may fafang masarap at pogi pa.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now