Chapter 17

30.5K 893 134
                                    

Aitana

PAGDATING KO sa hospital ay naabutan ko ang ilang mga pulis na nagkalat. Tsinitsek nila ang lahat ng dala ng mga pumapasok sa hospital. Mukhang nakahigh alert ang buong hospital.

Pagkapark ko ng motor ko ay mabilis ang lakad kong lumapit sa entrada ng hospital kung saan may mga nakatalagang pulis. Sobrang bilis pa rin ng puso ko sa kaba. At sa taranta ko nga kanina ay nakalimutan ko ang helmet ko. Mabuti na lang walang huli kanina. Gusto ko ng pumasok sa loob ng hospital para makita si Lorenzo. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha ng pulis.

Sumunod ako sa isang ale na nakapila na tsinitsek ang bag at ID ng isang pulis. Pagkatapos ay pinapasok na ito. Ako naman ang sumunod na tsinek. Binuksan ko ang shoulder bag ko at pinakita ko na rin ang ID ko.

"Sino pa ang dadalawin nyo ma'am?" Magalang na tanong ng pulis na nag inspeksyon sa akin.

"Ah si Lorenzo Villegas, pwede bang malaman kung saang room sya nakaadmit?" Tanong ko.

Natigilan naman ang pulis pati na rin ang ilang mga kasama nya na malapit sa amin. Pansin kong naging alerto sila.

"Ah pwede po bang malaman kung kaano ano kayo ni SPO1 Villegas?"

Bumuntong hininga ako. "Girlfriend nya ako. Nalaman ko lang kasi kanina ang nangyari kaya ako napasugod dito. Kamusta na ba sya? Malala ba ang tama nya? Saang room ba sya nakaadmit?" Sunod sunod na tanong ko.

Nagkatinginan naman sila ng mga kasamahan nyang mga pulis.

"Pasensya na miss, hindi namin masasagot ang mga katanungan mo. Hindi rin muna tumatanggap ng dalaw ang mga kasamahan naming pulis sa loob maliban lang sa mga kamag anak." Sabat ng isang babaeng pulis na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Maganda sya pero mataray ang mukha.

"Girlfriend daw sya ni sir Enzo, Julie." Sabi ng pulis na nag inspeksyon sa akin kanina.

Nagtaas naman ng kilay ang babaeng pulis na Julie ang pangalan. "So? Girlfriend lang sya at hindi kamag anak. Malinaw ang utos na kamag anak lang muna ang pwedeng dumalaw. Kaya kung ako sayo umuwi ka na lang miss." Ani Julie at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa.

Parang may pumitik na ugat sa sentido ko dahil sa inasal ng babae. Ganito ba ang mga babaeng pulis? O sya lang?

Humugot ako ng malalim na hininga para pigilan ang sariling makipagbardagulan sa babaeng pulis. Sa halip ay hinarap ko na lang ulit ang lalaking pulis na una kong kausap.

"Sir, baka pwedeng papasukin nyo ko. Kakamustahin ko lang ang lagay ni Lorenzo -- "

"Sinabi na ngang hindi pwede miss. Hindi ka ba nakakaintindi -- "

"Hindi ikaw ang kausap ko." Putol ko sa sasabihin ng intrimitidang pulis na si Julie sabay irap. Sabat ng sabat di naman kausap. Epal!

Napanganga naman si Julie pati na rin ang mga kasamahan nya. Gumuhit ang inis sa mukha nya.

"How dare you talk to me like that? Pulis ako! Matuto kang rumespeto!" Mataray na sabi ni Julie.

"How dare you talk to me like that too? Teacher ako. Matuto ka ring rumespeto no. Ano? Ikaw lang na pulis ang dapat na irespeto? Ano ka gold? Chusera ka. Pareparehas lang tayong sinuswelduhan ng gobyerno no." Mataray din na sabi ko.

"Aba't -- "

"Siguro wala kang boyfriend kaya ang bitter mo. Hindi mo alam ang pakiramdan ng nagaalala sa minamahal." Dugtong ko pa.

Napasinghap ang intrimitidang si Julie. Nagbulungan naman ang mga kasamahan nyang lalaking pulis. Mga tsismoso din eh.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng isang pulis na bagong dating na pamilyar sa akin ang mukha.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now