Chapter 22

33K 797 77
                                    

Aitana

INALALAYAN AKO ni Lorenzo na bumaba ng sasakyan. Nasa harap na kami ng isang hindi kalakihang bahay. Modern cabin style ang bahay. Ang presko ng dating. May ilan ding mga sasakyan ang nakaparada sa labas ng gate. Sa loob ng bakuran ng bahay ay may mga lamesa at upuang nakalatag. Marami ding mga lobo ang nakasabit sa paligid at marami ding mga bata. First birthday kasi ngayon ni baby Jethro at imbitado kami ni Lorenzo. Excited na nga akong makita sya.

"Let's go sweetheart." Aya sa akin ni Lorenzo at hinawakan ang kamay ko.

"Ay wait lang, yung regalo pala natin kay baby Jethro." Bulalas ko. Nakalimutan kong dalhin.

Binuksan naman nya ang sasakyan at kinuha ang paper bag na may lamang regalo para kay babay Jethro. Kinuha ko sa kamay nya ito. Gusto ko ako ang magbibigay kay baby Jethro.

Lumingon naman si Lorenzo sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Napakunot noo naman ako. "Bakit? Pangit ba hitsura ko?"

"Nope. You look perfect sweetheart." Sagot nya.

Naginit naman ang pisngi ko. Grabe naman sa perfect.

"T-Thank you." Nauutal pa na sabi ko.

Tumawa naman sya. "You're blushing."

Lalong naginit ang pisngi ko sa sinabi nya. "Hindi ah, mainit lang kaya namumula pisngi ko." Palusot ko.

Tawa lang ang sinagot nya at inakbayan ako papasok sa bukas na gate. Ngumuso na lang ako.

Sinalubong kami ng mag asawa pagpasok namin ng pinto. Pinanggigilan ko agad si baby Jethro na buhat ni Ivy. Super cute nya sa suot na ternong damit na may cartoon character. Binigay ko naman kay Ivy ang regalo namin ni Lorenzo.

Maya maya pa ay apat na kalalakihan ang sunod sunod na pumasok. Napanganga ako at nalula sa mga hitsura nila. Lahat sila malalaking tao at hindi matatawaran ang mga hitsura. Binati sila ni Lorenzo at Jeiz. Mukhang mga kaibigan sila ng dalawa.

"Himala, sabay sabay kayong dumating. Nag usap ba kayo?" Natatawang sabi ni Jeiz.

"Nagkataon lang." Sagot ng lalaking matangkad na may mapaglarong ngiti sa labi. Inabot pa nya ang pisngi ni baby Jethro at pinisil. Napatingin pa sya sa akin at ngumiti. Nag init naman ang pisngi ko sa hiya.

"Hi miss." Bati ng lalaki sa akin.

"H-Hi." Nauutal at nahihihayang sabi ko.

"She's off limit pare." Singit ni Lorenzo at inakbayan ako.

"Ow, she's your date?"

"Nope, she's my girlfriend."

Napaawang ang labi ng lalaki. Napahinto din sa pagkukwentuhan ang tatlong lalaki sa likuran nya at napatingin sa amin ni Lorenzo na para bang isang nakakabiglang balita ang sinabi ni Lorenzo.

"Really pare? May girlfriend ka na?" Tanong ng isa pang lalaki na lumapit sa amin at tumuon ang mata sa akin. Ngumiti sya at nilahad ang kamay. "Hi miss, I'm Kester Belleza. Nice to meet you."

Tinanggap ko ang kamay ni Kester. "H-Hello, Aitana Mangubat. Nice to meet you too."

At sunod sunod na ngang nagpakilala ang mga kaibigan ni Lorenzo sa akin. Ang lalaking unang bumati sa akin kanina ay Luigi Federova ang pangalan. Si Atlas Montecillo naman ang mukhang pinakamabait sa kanilang lahat at si Matias Santiago na mukhang may lahing arabo at mukhang pinakamasungit. At lahat sila ay halatang may sinasabi sa buhay. Sa hitsura, sa tindig, sa pananamit at sa pananalita nila. Grabe, mga ganito pala ang mga kaibigan ni Lorenzo. Nakakahiyang tumabi.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now