Chapter 37

28.4K 777 63
                                    

Warning 🔞

Aitana

TUTOK NA tutok ang mata ko sa screen ng tv namin at matamang nakikinig sa balita. Lalo na sa lalaking ini-interview. Si Lorenzo. Ang gwapo ng rehistro ng mukha nya sa tv. Pati nga ang reporter na babae titig na titig sa kanya eh. Ang cool din nya magsalita. Maawtoridad at professional ang dating.

"Hay salamat naman at nahuli na ang mga salot na yan." Komento ni Tiyang Meding.

"Hindi pa po nahuhuli yung dalawa tiyang, nagtatago. Si Congressman Echevari naman nakapagpiyansa." Paliwanag ko kay Tiyang Meding. 

At least natukoy na kung sino ang mga nasa likod ng talamak na bentahan ng droga dito sa bayan namin. Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwalang kasabwat talaga si Julie at wanted na ngayon.

"Kuh, mahuhuli din yang mga yan ni Lorenzo. Naku bilib na bilib talaga ako sa batang yan. Ang gwapo gwapo pa sa tv o." Ani tiyang na akala mo ay nanay ni Lorenzo na proud proud. Kunsabagay ako rin naman proud na proud sa kanya.

Tumayo na ako para mag asikaso na papasok sa school. Mamaya pa kami magkikita ni Lorenzo dahil sure akong nasa istasyon pa yun ngayon. Ititext ko na lang sya.

"Tiyang pasok na po ako." Paalam ko kay Tiyang Meding at kinuha na ang helmet.

"Magiingat ka sa pagmamaneho."

"Opo." Lumabas na ako ng bahay at sinuot na ang helmet.

Pagdating sa school ay usap usapan din ng mga co teachers ko ang balita.

"Grabe, di pa rin ako makapaniwala na sangkot din pala si Congressman Raymond. Wala sa histura nya ha." Sabi ng co teacher kong may edad na.

"Ako nga rin eh, crush na crush ko pa naman yun. Yun pala totoo ang mga chismis sa kanya."

"Pero mainam na rin yun at nabisto na ang mga kalokohan nya. At ang galing ng boyfriend ni Teacher Aitana ha. Astig." Sabi ni Teacher Sally na kinalabit pa ako.

Nginitian ko naman sila. Syempre bilang girlfriend natutuwa ako dahil kinikilala nila ang boyfriend ko bilang mahusay na pulis. Hmm, mabigyan nga ng kahit maliit na celebration si Lorenzo.

NAPANGITI AKO ng makita ang pagkamanghang nakarehistro sa mukha ni Lorenzo pagpasok nya dito sa kusina. Ipinaghanda ko kasi sya ng munting salo salo at may patarpaulin pa na may nakasulat na congratulations. Tinulungan pa nga ako ni Tiyang Meding na maghanda.

"Congratulations!" Nakangiting bati ko sa kanya at binuka pataas ang dalawang braso.

"Sweetheart.." Anas nya sabay hapit sa bewang ko at hinalikan sa noo. "Hindi ka na dapat nag abala pa." Natatawang sabi nya habang mapupungay ang mga matang nakatingin sa akin.

"Deserve mo to no. Dapat nga bonnga pa eh. Saka proud ako sa'yo kasi ang galing galing mo." Sabi ko sabay tingkayad at halik sa pisngi nya.

"Aw, thank you sweetheart."

"You're welcome."

" Congratulations iho! Naku ang galing galing mo talagang pulis. Dapat sayo inaawardan." Sabi ni Tiyang Meding na kapapasok lang ng kusina at may dalang cake.

"Salamat ho Tiyang Meding. Pero ginagawa ko lang ho ang tungkulin ko." Natatawang sabi ni Lorenzo.

"Pero malaki ang nagawa mo iho. Sa wakas mawawala na ang mga salot na yan dito sa bayan natin. O sya, maupo ka na. Para sayo ang lahat ng yan. Pakabusog ka."

Natatawang pinaghila naman ako ng upuan ni Lorenzo bago sya naupo. Dumating na rin si Benj at si Macy para makisalo sa amin.

HALOS HINDI maipinta ang mukha ni Lorenzo ng lingunin ko sya. Kakaalis lang ng dating school mate ko na napadaan sa school dahil sinundo ang pamangkin.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now