Chapter 18

32.6K 889 119
                                    

Aitana

SO FAR so good naman ang trato sa akin ng mga magulang ni Lorenzo. Ang mommy nya ay mabait talaga at madaldal. Ang daddy nya naman ay mabait din. Hindi nga lang palangiti at maawtoridad kung magsalita. Parang si Lorenzo talaga.

"Pagpapasensyahan mo na ang tito Arnaiz mo iha, ganyan talaga yan. Palibhasa pinaglihi sa sama ng loob." Ani tita Sol at humagikgik pa.

"I can hear you wife." Sabat ni tito Arnaiz na nasa sala at nagbabasa ng business magazine.

Nakagat ko ang labi at tumingin kay tita Sol na umirap lang sa ere. Pinigil ko naman ang sariling matawa baka pagalitan ako ni tito Arnaiz.

"Don't mind him iha, ganyan talaga yan. Masasanay ka rin." Sabi ni tita Sol.

Tumango tango na lang ako habnag naglalagay ng kutsara't tinidor sa mga plato. Sinasalin naman ni tita Sol ang mga ulam at kanin na inorder sa restaurant ni Lorenzo. Pati ang pagkain na dinala ko ay sinalin na rin sya sa mga mangkok.

Si Lorenzo naman ay nasa labas at kausap ang chief nila sa cellphone. Hindi ko makalimutan ang hitsura nya kanina ng sabihin ni tito Arnaiz na ayaw ng huli sa pulis. Mukhang hindi sang ayon si tito Arnaiz sa pagpupulis nya.

"Ikaw ang nagluto nito iha?" Tanong ni tita Sol ng tikman nya ang niluto kong sinigang na ulo ng maya maya sa miso. Kanina pa nga ito binabalikbalikan ng mag ama.

Kinakabahang tumango naman ako. "Opo tita." Sa totoo lang hindi naman talaga ako kagalingan sa pagluto. Naturuan lang ako ni tiyang Meding dahil tumatanda na nga daw ako wala pa akong alam sa kusina.

"Hmm masarap iha, tamang tama ang timpla at asim."

Napangiti na ako. "Salamat po tita." Tumingin ako kay Lorenzo na katabi ko. Tumingin din sya sa akin at ngumiti. Parang nakikita ko sa mata nya na proud sya sa akin. Parang pumapalakpak naman ang tenga ko.

"Mabuti ka pa marunong magluto. Ako kasi hindi marunong. Pero itong tito Arnaiz mo marunong. Sa kanya nagmana si Lorenzo." Pagkukwento ni tita Sol.

Tumingin naman ako kay tito Arnaiz. Tuloy tuloy lang sya sa pagkain at ang mga niluto ko ang nilantakan nya. Wala naman syang reklamo pero mukhang nasasarapan naman sya sa luto ko. At kung hindi lang nakwento ni tita Sol ay hindi ako maniniwalang marunong syang magluto. Hindi halata. Mukha kasi syang don na palautos.

"Masarap ang luto mo iha." Puri ni tito Arnaiz.

Nahihiyang ngumiti naman ako. "Salamat po tito."

"Dapat mga ganyang babae ang nakakarelasyon mo Enzo, hindi yung mga babaeng pangdisplay lang."

Tumingin ako kay Lorenzo habang ngumunguya. Tumingin din sya sa akin at ngumisi.

"Wala akong nakakarelasyon na pangdisplay lang dad."

Tumawa si tito Arnaiz. "Oo nga pala, wala ka pa palang nakakarelasyon dahil puro fling lang."

Boom basag! Nukangayon? Sabi na eh! Babaero sya noon eh.

Muling bumalik ang tingin ko kay Lorenzo na nawala na ang ngisi.

"Baka naman itong relasyon nyo ni Aitana ay panandalian lang. Nagsasayang lang kayo ng oras."

Natigilan ako sa sinabi ni tito Arnaiz. Pati si tita Sol ay natigilan din sa pagnguya at tumingin sa asawa.

"No dad, seryoso ako kay Aitana. Hindi ko naman sya liligawan at ipapakilala sa inyo kung hindi ako seryoso sa kanya." Sinserong sabi ni Lorenzo.

Pigil ko ang ngiti at kilig sa sinabi ni Lorenzo. Dinaan ko na lang sa pagsubo ng pagkain.

"Talaga? Nanligaw ka? Hindi nga?" Tila hindi naman makapaniwalang tanong ni tito Arnaiz. Maging si tita Sol ay napatingin din kay Lorenzo.

DG Series #1: Captive HeartWhere stories live. Discover now