Chapter 19

35.5K 974 153
                                    

Warning 🔞

Aitana

MABAGAL AKONG ngumunguya ng nilupak habang pinapanood si Lorenzo na pinagkakaguluhan ng mga co-teachers ko at ni ma'am Maascad. Akala ko nga magagalit kanina si ma'am Maascad ng makita nya si Lorenzo sa room ko. Kabaliktaran pala.

"Pasensya na ho kung nakakaistorbo ako sa pagtuturo ng teacher nyo ma'am." Hinging paumanhin ni Lorenzo kay ma'am Maascad.

"Naku walang problema sir, kahit araw araw ka pa mag sit in." Ngiting ngiting sabi ni ma'am Maascad. Mukhang crush pa nya si Lorenzo.

"Sa klase ko sir ayaw nyong mag sit in." Sabi ng isang co teacher kong may edad na pero wala pa ring asawa.

"Siguro next time ho." Sagot naman ni Lorenzo.

"Ay sa klase ko din sir ha, magaling akong magturo. At di rin kami nagkakalayo ng ganda ni Aitana."

At yun na nga nagkanya kanya na ng buhat ng sariling bangko ang mga co teachers ko. Lahat sila ay gustong mag sit in sa klase nila si Lorenzo. Ang mga co-teachers ko namang mga lalaki ay napapailing na lang.

"O nguso mo nanghahaba, ilong mo nanlalaki ang butas. Ang panget mong magselos ha." Untag sa akin ni Macy na tumabi sa akin ng upo.

"Hindi ako nagseselos no, saka cute ako sabi ni Lorenzo."  Pairap na sabi ko sa kanya at uminom ng samalamig.

Iningusan lang ako ni Macy. "Pero infairness ha ang sweet ng boyfriend mo. Dinalaw ka at naki sit in pa. Sana all."

Nagulat nga rin ako ng makita si Lorenzo kanina. Wala naman syang sinabi na pupunta sya. Ang alam ko may check up sya at magrereport sa istasyon. Pero masaya akong dumalaw sya. Yun nga lang napressure ako kanina.

"Magboyfriend ka na rin kasi."

"Ayaw pa akong sagutin ng pinsan mo eh. Masyadong pabebe."

Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay. "Di nga? Seryoso ka ba talaga kay Benj? Bakla yun no. Di kayo talo nun."

"Magkakatalo din kami, watch ka lang. Mahuhulog din sa kamay ko yang pinsan mo." Confident na sabi nya.

Nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi nya. "Good luck na lang sa'yo girl."

"TEKA, AYOS na ba ang braso at balikat mo? Pwede ka na bang magmaneho?" Nag aalalang tanong ko ng makasakay na kami sa pick up truck nya at buhayin nya ang makina.

"Yes sweetheart, binigyan na ako ng clearance ng doctor. Bukas balik trabaho na rin ako." Nakangiting sabi nya at minaniobra na ang sasakyan. Bumusina pa sya para tumabi ang mga estudyanteng dumadaan.

Mabigat naman akong bumuntong hininga ng marinig na babalik na sya sa trabaho. Bumalik ang pagalalang naramdaman ko. Siguro ay hindi na ito mawawala dahil sa klase ng trabaho nya.

"Ayos ka lang sweetheart?" Untag nya sa akin.

Muli akong bumuntong hininga. "Hanggang kelan ka sa pagpupulis?" Di ko na napigilang itanong.

Saglit syang hindi sumagot at mukhang natigilan sa tanong ko. Tumingin sya sa akin.

"Bakit? Ayaw mo na ba akong mag pulis?"

Ngumuso ako. "Paano kung sabihin kong ayoko?"

Tumaas ang sulok ng labi nya. "Bakit ayaw mo na akong magpulis?"

"Nag aalala ako eh. Pa'no kung sa susunod hindi ka na makaligtas? Pa'no kung.. kung.."

"Mamatay ako?"

Napasinghap ako sa sinabi nya. "Kapag namatay ka maghahanap ako ng ibang jowa yung hindi pulis." Nakangusong sabi ko.

Napatili ako ng biglang huminto ang sasakyan. Mabuti na lang nakaseatbelt ako. Matalim ko syang tiningnan pero naumid ang dila ko ng masalubong ko ang madilim nyang mukha at ang umiigting nyang panga.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon