Chapter 21

32.3K 772 67
                                    

Lorenzo

BINABA KO ng bahagya ang suot kong aviator habang nakatingin sa babaeng lumabas ng gate ng malaking bahay. Sumakay sya sa nakaparadang kotse at pinasibad. Mabilis ko namang tinaas ang tinted na salamin at sinundan ng tingin ang kotseng padaan.

"Positive." Komento ni Elmer na kasama ko na syang nasa likod ng manibela.

Bumuntong hinininga naman ako at mahigpit na kinuyom ang kamao kasabay ng pagtagis ng panga ko. Sa lahat ng kasamahan kong malapit sa akin ay sya ang kahuli hulihang taong pinaghinalaan ko. Pero akalain ko bang mukhang tama nga ang kutob ko.

"Pag aari ni Don Conrado Ramirez ang malaking bahay na yan at ayon sa nakalap kong impormasyon ninong sya ni Julie."

Si Don Conrado Ramirez ay isang mayamang negosyante. Pag aari nya ang pinaka malaking factory ng plastic at styro dito sa bayan ng Inocencia. Ilang beses ng nadadawit ang pangalan nya sa mga ilegal na gawain. Hindi lang sya nadidiin dahil walang makuhang matibay na ebidensya. Ilang beses na ring naraid ang factory nya dahil may sabi sabi na dito daw tinatago ang mga kontrabandong mga armas at droga. Pero wala namang nakukuha. Isa rin sya sa pinaghihinalaan namin na may koneksyon sa grupo ng sindikatong hinahabol namin sa Santa Luisa. Kumakalap lang kami ng impormasyon at ebidensya. At ngayon nga ay unti unti ng napagtatag tagni ang mga pangyayari. May koneksyon si Julie kay Don Conrado na syang pinaghihinalaan naming espiya.

"At ayon pa sa nakalap na impormasyon ng impormante natin pamangkin din pala ni Don Conrado si Congressman Raymond Echevari."

Natigilan ako at napalingon kay Elmer.

"Pinsan ni Don Conrado ang nanay ni Congressman Raymond Echevari." Dugtong pa ni Elmer.

Ilang beses ko ng nakakadaupang palad si Congressman Raymond Echevari sa mga public event at charity. Ilang beses na rin syang pumupunta sa resorts ko at kumakain sa mga restaurant ko. Sibil lang kami sa isa't isa kapag nagkukrus ang landas namin. Bukod sa pagpupulitika ay isa din syang negosyante. Malapit sya sa mga tao dahil marami syang mga outreach program na malaking tulong sa mga mahihirap. Yun nga lang ay lapitin sya ng samu't saring kontrobersya.

Ngayong nalaman ko na pamangkin pala sya ni Don Conrado ay hindi malabo na may kinalaman din sya. At malaki ang papel nya.

"Kaya pala ilang beses ko na silang nakikitang magkasama sa mga public events." Sabi ko at hinimas ng daliri ang ilalim ng labi. Akala ko ay normal na magkakilala lang ang dalawa.

"Anong susunod nating gagawin pare? Irereport na ba natin kay chief?"

Bumuntong hininga ako. "Hindi muna, kailangang muna natin pagtuunan ng atensyon si Julie. Mahirap ang haka haka lang at walang ebidensya baka bumalik lang sa atin at tayo pa ang mabaliktad."

"So anong plano mo kay Julie?"

Tumingin ako sa kanya at ngumisi. "Ako ng bahala sa kanya."

Kapag napatunayan ngang si Julie ang espiya, magbabayad sya. Matatanggal sya sa serbisyo at makukulong dahil sa pakikipagsabwatan.

NGUMISI AKO habang pinagmamasdan si Aitana na nagreretouch ng make up nya. Katatapos lang naming kumain ng almusal sa karinderyang palagi naming kinakainan sa umaga bago ko sya ihatid sa school na pinagtuturuan nya.

"Maganda ka na sweetheart, hindi mo na kailangan mag retouch." Sabi ko.

Ngumuso naman sya. "Alam ko, pero nabura yung liptint ko. Peke yata yung naorder ko sa online. Ang bilis mabura eh. Dapat pala hindi na lang ako nagpalit ng brand." Reklamo pa nya at hinalughog ang bag. Siguro ay para maghanap ng ipapahid nyang pangkulay sa labi.

DG Series #1: Captive HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon