Chapter 49: Surrendered

Magsimula sa umpisa
                                    

Umaasa ako ng liwanag mula sa flash ng mga camera kasi madalas sa madalas, may kasamang media ang mga nagre-raid na mga pulis, pero himalang naka-block ang buong area at secured. Ultimo mga mobil, iba rin ang itsura. Hindi yung walang wall na L300 na baliktaran ang upuan. Armored van pa nga at SWAT operatives pa ang mga naghatak sa amin papasok doon.

Walang nambugbog sa amin. Walang pumalag. Pagsakay sa van, bantay-sarado agad kami ng mga pulis na naka-full gear at may hawak na rifle.

Pinauna si Patrick sa loob, kasunod ako, tapos si Will. Si Calvin ang kasunod tapos si Leo bago si Rico na nasa dulo katapat ni Will.

Kami ni Calvin ang nagkapalitan ng tingin. Inaasahan na namin 'to pero hindi ganito ka-secure.

Tahimik lang kami sa biyahe. Ang init sa loob ng van. May fan pero napakaliit kaya ang init talaga.

Hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin pero sigurado akong hindi basta-bastang station lang ang pupuntahan namin, kasi kung sa police station lang, hindi kami iba-van.

Nakaposas ang mga kamay namin sa likod at nagbabanggaan na ang mga siko namin. Sa dulong-dulo si Calvin, nakasiksik na nga halos sa metal wall na may maliit na bintana sa driver at pahinante roon. Madilim sa loob ng van. May dilaw na ilaw naman pero sobrang dilim din at sobrang baba ng watts.

Nakatingin ako sa dalawang pulis na bantay sa amin. Pasilip-silip sa labas, doon sa maliit na bintana ng pintuan ng van.

Paglipat ko ng tingin kay Calvin. Nagkakamot na siya ng leeg.

"Anong oras na?" tanong ko pa kasi nakita ko ang relo niya.

Sinilip naman niya ang relo niya. "Quarter past six."

Tumango naman ako at saglit na yumuko. Pero bigla akong napaangat ng tingin habang salubong ang kilay kay Calvin. Bumaba ang tingin ko sa braso niyang nasa likod ulit niya.

"Gago ka," walang boses na mura ko sabay nguso sa likod niya.

'Tang inang 'to, nakaposas kami sa likod, nagkakamot ng leeg.

Ang lapad ng ngisi niya sa 'kin at halatang may ginagawang kagaguhan 'to sa puwesto niya.

Kapag kami na-guilty dahil sa gagong 'to, iipitin ko talaga leeg nito sa gitna ng rehas.

Naliligo na kami sa pawis nang buksan ang pintuan ng van. Anong hinga naming lahat nang makalanghap ng sariwang simoy ng hangin kasi simoy kriminal talaga sa loob, pota. Yung ang guwapo-guwapo mo tapos mangangamoy kalaban ka lang, 'tang inang 'yan.

"Dude."

Isa-isa kaming pinababa at pinapunta sa back door ng malaking building. Hindi ko alam kung saan 'to kasi nasa likod kami, pero ang daming sasakyan at van.

Hindi kami pinadaan sa harap, ibig sabihin, may haharang doon na hindi kami puwedeng makita.

Ilang hallway ang dinaanan namin. Ni hindi man lang kami tinakpan sa ulo. Pagliko namin sa huling hallway, may nakaabang na sa dulo na lalaking naka-polo na asul at denim jeans. Malaki ang tiyan, matangkad, may hawak 'yong phone, at itinuturo ang loob ng isang kuwarto malapit sa dulo na panibagong hallway ulit.

Isa-isa kaming pinapasok doon. Malaking kuwarto lang 'yon na walang laman pero may mahabang mesa sa gitna. Saka ko lang napansin na nasa kampo kami sa QC dahil sa seal ng mayor at PNP.

Pagdikit namin ni Rico, binulungan ko agad siya.

"Dude," bulong ko.

"What?" bulong din ni Rico.

"Hindi tayo binasahan ng Miranda Rights."

"Miranda what?"

"Dude, naka-warrantless arrest tayo, pero dapat babasahan pa rin tayo ng Miranda Rights."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon