Entry #76

2.3K 75 3
                                    


Dear Crush,


Kakauwi lang namin ni Karlo galing sa Mall. The whole time, ikaw lang ang nasa loob ng isipan ko. Muka akong timang na naglalakad kanina, wala sa paglalakad ang pag-iisip kundi nasa sa'yo. Ang unfair ng utak ko crush, isama mo na rin ang puso ko, alam 'kong ako ang nagmamay-ari sakanila pero bakit ikaw ang laman at tinitibok nito? Diba ang unfair?


Hindi kasi ako makaget-over! Ba't ganon? Bakit ikaw si Unknown Number crush? Ba't di ka na lang umamin agad? Shucks! Mygad! Waaaa! Kung totoo mang ikaw si Unknown Number, kaya pala ganon umasta si UN, may pagka-konektado siya sa'yo dahil siya ay ikaw. Ikaw, siya. Iisa lang kayo! Hindi pa naman ako ganon kasigurado, kaso may mga ebidensya kasi...


Schoolmate kita at hindi classmate.Yong gift na nag-thank you ka. Yong hindi mo pagpansin saakin na halos umabot ng dalawang linggo, dahil nag-selos ka? So nakita mo nga akong hinalikan ni Dan sa pisnge don sa covered court? Shucks! Nagselos ka rin pala?! That sorry, na may malaking impact talaga saakin kesa sa pag-amin ni Dan. Naiintindihan ko na, kaya pala ang gaan ng loob ko sa'yo. Hindi kita kayang matiis dahil iisa lang kayo. Yong bumisita ka dito sa bahay at gusto mo kong palabasin ng kwarto, ikaw pa rin yon. Higit sa lahat ay yong mga knock knocks mo, totoo ba sila crush? Crush, mahal, future girlfriend... loving you till infinity? Oh God!


Kung hindi ako nagkakamali, may gusto ka rin kaya saakin? Nangangarap na naman ako? Oo. Gad gad gad! Ngayong alam ko ng ikaw si Unknown Number kahit hindi mo pa inamin saakin sa personal... mas lalong lumalim ang pagkagusto ko sa'yo, Khin Ralf.


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now