Kriselly

2.8K 78 12
                                    

Kriselly


Past 9 am akong gumising, pruweba 'don ang mainit na tirik ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto ko. Nakalimutan ko palang isara 'yon kagabi.


Yong katawan ko ay parang binugbog sa sobrang sakit, dala na rin siguro ng katamarang bumabalot sa dugo ko. Haay. Bumangon na ako dahil nauuhaw ako. Kumalam 'yong tiyan ko. Kailangan ko rin palang mag-breakfast. Nagugutom na ako.


"Nakabusangot ka na naman Ate? Puputi yang buhok mo pag ipinagpatuloy mo pa 'yan sige ka." pananakot ni Karlo saakin paglabas ko galing sa kwarto.


Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa kusina, in-open ang fridge at uminom ng malamig na tubig. Kumuha na rin ako ng plato pati kutsara at tinidor, umupo ako sa dining chair at binuksan 'yong tinakpang pagkain.


Matapos kumain ay itinapon ko aking sarili sa sofa at binuksan ang TV, ang panget ng movie, pumapatay ng tao yong bida. Ang sama niya. Huminga ako ng malalim at nag-exhale.


Haay. Naalala ko na naman na last day na 'yong kahapon. Bakit ba kasi last day na 'yon? Ba't di ko alam yon? Ba't hindi ko na balitaan 'yon?


Ang sakit sa heart!


Biglaang naglaho ang klase ng wala akong kamuwang-muwang. Walang matinong pagpapaalam kay crush. Huhuhu. Hindi ko na ba siya makikita?


"Oy!" halos mapatalon ako sa gulat.


"Anong kelangan mo?" walang gana 'kong sabi, tinatago ko ang sakit na nadarama.


"Malungkot ka na naman. Ano na naman ba?" tumabi siya sa'kin habang may pinapakealaman sa cp niya.


"None of your business, wala ka naman talagang pake saakin." tinalikuran ko siya.


Siyempre joke 'yon, ramdam ko kayang may pake ang kapatid ko saakin. Tinamad na kasi akong magsalita.


"Ah ganon pala? Oh sige, 'yan ang irereply ko dito kay Khin."


Napalingon ako sakanya na parang nakainom ng cobra energy drink. Napawi ang katamaran ko. Binanggit ba niya ang pangalan ng gwapong crush ko?


"Khin? Teka, magkatext kayo ngayon? Waaa! Amin na nga yang cp mo!"


Sinubukan 'kong kunin sakanya 'yong cellphone kaso mabilis siyang nakatayo at parang si flash na nakarating sa banyo.


Ni-lock pa niya ito.


"Hoy hindi ah!"


"E bat ka nagtatago jan?"


"Bawal na bang mag-CR? Naiihi ako, problema mo?"


Napatadyak ako sa sahig. Ang sakit ng paa ko. Wrong move!


"Wala! Aish! Bilisan mo, gusto 'kong makita ang usapan niyo ni Khin Ralf..."


Parang may humampas na sangkaterbang palakol saakin ng may napagtanto ako.


Ohmygad. Ba't hindi ko naisip yon? Matagal ko ng crush si Khin pero ni minsan ay hindi ko nahingi ang number niya kay Karlo. Hala! Oo nga Kriselly! Ang tanga mo lang talaga! Nasayang ang mga araw na crush mo siya! Wala kayong communication!


"Karlo! Hindi ka pa ba tapos?" parang naeexcite ako saaking naisip kaya napapangiti ako ng wala sa oras. Kukunin ko number niya! Hahaha!


Kung noon ko siguro naisip ito, 'di sana... sayang.


"Hindi pa ako tapos, hinding-hindi ako magiging tapos. Guess what? May forever, forever akong mananatili sa CR na to! Hindi ako lalabas hangga't hindi mo ko tatantanan." paliwanag niya.


Dear CrushWhere stories live. Discover now