Entry #39

2.9K 90 3
                                    


Dear Crush,


May aaminin ako sa'yo crush. Sa'yo ko lang ito aaminin kasi alam 'kong hindi mo ito ipagkakalat sa iba. Napipikon na ako. Napipikon ako kay Unknown Number!---sshh! Bakit? Eh kasi hindi pa rin niya sinabi ang pangalan niya. Desperate na kung desperate! Gusto ko lang naman mabasa ang pangalan mo sa reply niya, yeah you got me, gusto kong ikaw si Unknown number :3


Masama bang mangarap crush? Hindi naman diba? Mas masama ang magtapon ng basura sa kahit saan kung alam mo namang may trash bin sa tabi mo. Libre namang mangarap eh. Walang halaga. Hindi siya mahal, at mas lalong  hindi siya mura. Pero kung may bayad man ito, willing akong magbayad ng kahit anong halaga para lang may opportunity ako na mangarap basta ikaw lang ang pangarap ko. Hahaha! Di ko ma-reach ang sinabi ko. Lalim!


Si Unknown Number kasi, naloloka na ako sakanya. Nagsinungaling tuloy ako sakanya crush, sinabi ko na 'okay lang' eh ang totoo nama'y hindi talaga okay saakin ang hindi niya pag-amin. Wait, oh my gad! Nagsinungaling ako! Liar na ako! May kasalanan ako! Waaaah! Baka magtampo si God saakin tapos iibahin niya ang fate natin na imbes na magiging tayo, hindi na tayo magkakatuluyan. Oh no!


Babawiin ko 'yun! Itetext ko si Unknown Number na hindi okay saakin! Magiging good girl na ako!


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now