Kriselly

3.2K 97 19
                                    


Kriselly


May sakit kaya ako sa puso?


Bakit hindi siya bumilis di tulad nung ngumiti si Khin kanina? Hala! Bakit heart? I-explain mo sakin! Bigyan mo ko ng matinong dahilan!


Napatingin ako kay Renz. Naghihintay siya sa sasabihin ko. Napalunok ako. Ano nga ulit yong sasabihin ko?


"Kriselly!"


Narinig ko ang boses ng aking kaibigan.


"Kriselly! Wala si Sir! Absent siya ngayon dahil nahospital ang anak niya! Yes! Wala tayong summative ngayon! Yes yes!" paki-batok nga nong kaibigan ko. Ang sama niya.


Naramdaman kong lumapit siya saakin. Tumabi siya kung saan ako nakatayo.


"Kriselly nakikinig ka ba? Ang sabi ko wala si Sir. Teka! Waaah! Ang cute mo sa hoodie na iyan! Akin na ito please! Akin na yaa---oh! Sorry." tinignan ko siya at yong titig ko ay nagsasabing 'pwede bang mamaya na lang tayo mag-usap?'.


Naintindihan niya naman ako kaya tumango siya at umalis agad. Good.


"Sir Mathematics? Wala siya?"


"Ahh oo. Hindi raw matutuloy ang Summative."


"Yaay! Hindi kasi ako nag-aral kagabi! Paano ba kasi, nag-chat kami ni Renz. Hahaha! Nakakatuwa nga eh."


Yeah nakakatuwa. Mas nakakatuwa kung tumigil ka na kakasalita diyan. Kung pinapaselos mo ko well nag failed ka, h-hindi ako nakakaramdam ng s-selos. Hala bakit?


Dapat nagseselos ako!


"Nag-chat ba tayo?" at don na napahiya si karibal. Pfft! Pwede tumawa? NAKAKATUWA kasi.


Pinigilan ko aking tawa. Shucks ang hirap nito.


"Pinahiram ni Khin saakin ito kasi nakalimutan ko yong ID ko." tinignan ko si Renz nung sinabi ko yon, tumango naman siya. Ang gwapo niya, muka siyang si Luis Manzano.


"Ibabalik ko naman ito bukas kay Khin. Sabihin mo rin sakanya na salamat ha? Sige maiwan ko na kayo!"


Doon na ako tumakbo at iniwan na silang dalawa. Teka, hindi na ako nakakaramdam ng hiya. Ano na ba ang nangyayari?


"Krisellyyy! Paano mo nakayanang makipag-usap sakanya! Grabe! Bilib na ako sayo Kriselly! Grabe grabe! Hindi ko kayang gawin kay crush yon! Grabeee! Ang swerte mo!" bungad ng kaibigan ko saakin pagdating ko sa classroom.


Paano ko nga ba nakayanan?


"Oh? Bat ka malungkot? Noon, kahit na nakikita mo lang siya ay kinikilig ka na. Ngayong naka-usap mo na, malungkot ka? Ang gulo mo Kriselly." napa-iling siya matapos sabihin yon.


Kilig? Waaah! Asan ang kilig kanina? Asan? Natraffic sa Edsa? Bat hindi ko rin yon naramdaman?


"Crush ko ba talaga siya?" napatanong na lang ako bigla.


"Oo naman. Matagal na nga eh."


"Pag ba nakita mo crush mo na may kasamang iba, nagseselos ka?"


"Oo! Sobra! Hindi sa mahal ko siya, natural lang naman talaga na makaramdam ka ng kahit katiting na selos."


Napanguso ako. Umupo ako at ni-rest aking ulo sa table ng aking upuan.


May mali sa mga nangyayari.


"Hindi ko naramdaman kanina yon." buntong-hininga ko.


"Weeh? Lokohin mo sarili mo Kriselly."


"Promise. Hindi talaga."


Tinignan ko siya at parang namilog yong mata niya. Nagulat ata.


"Hala Kriselly! Paano nangyari yon? Dapat nagselos ka! Hindi lang sa may kasama siyang iba, si karibal mo pa yon! Naalala ko pa nga yong araw na tinutukso ka nila sa surname ni Renz, halos maiyak ka nga non nung nalaman mong close sila! Kaya dapat nagselos ka!" niyugyog niya ako.


"Hindi talaga. Hindi ko alam kung bakit! Basta hindi ako nagselos." mahina at medyo inis na sabi ko. Bat ba kasi hindi ako nagselos? Kainis! Nakakainis!


"At may isa pa."


May naalala naman ako.


"Ano yon?" umupo siya sa tabi ko.


"Hindi ba alam na niyang crush ko siya?" tumango naman ito. "Ibig sabihin nakakahiya?"


"Nakakahiya overload. Todamax."


"Hindi ko na rin naramdaman yon. May sakit kaya ako?" gulo kong tanong.


"Ata? Naka-hoodie ka eh. Ininom mo ba gamot mo? Bilhan kita mamaya." concern na sabi niya. Binatukan ko nga kaya napa-aray siya.


"Wala akong sakit."


"Eh bat mo pa ko tinanong? Kaloka ka rin pala noh. Bat ka naka-hoodie aber?"


"Hindi sakin to." napanguso na naman ako.


"Huh? Eh di kanino?" kumunot yong noo niya.


Naalala ko yong ginawa ni Khin kanina. Ang bait niya talaga. Hindi ko alam na kaya niyang gawin sa isang tao iyon. Sa mas matanda pa kesa sakanya. Paano niya kaya naisip yon?


"Oi~ nakangiti si Kriselly." natauhan ako ng marinig ang panunukso niya.


"Hinde. Bulag ka lang. Pacheck-up ka." deny ko.


"Kanino nga?"


Napalunok ako bigla.


"Kay Khin."


At ang baliw kong puso, ngayon pa bumilis ang pagtibok niya.

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon