Entry #10

4.7K 121 2
                                    


Dear Crush,


Pagkatapos ng school hours ay dumiretso kami ni Karlo sa Mall kanina. Nandun na pala si Papa, bibilhan raw kasi ng bagong phone si Karlo. Ok, para naman maibsan at kumalma ang konsensya ko ay ibinigay ko na lang kay little bro ang naipon kong 500 pesos. Akala ko ay ibibigay niya kay papa kaso binulsa! May pa ngiti-ngiti pa siya, yung ngiting pag nakita mo ay maiinis ka? Shucks ka Karlo! Pasalamat ka at nandiyan si Papa, palaging high-blood kahit gaano pa kaliit ang kasalanan mo.


Pag-uwi namin sa bahay ay inopen ko agad ang aking FB account. Alam na! Sinearch ko yung name mo... Klui Renz Whyte. Kaya pala wala akong nakita na mukha mo noon, mali kasi yung spelling na natype ko sa name mo! Bobo na ba ako? Palagi na lang akong nagkakamali sa spelling ah! Anong klaseng admirer ako?


I scroll and scroll searching for your account kaso epic, hindi ko pa rin nahanap. Ba't ganun? Pangalawang beses na 'tong nangyari, nakakawasak na ng puso!


Napatigil ako kakascroll nung biglang lumapit si Karlo sa'kin na nagmamayabang sa bago niyang CP. Err. Sirain ko 'yan eh! Pinuwesto niya talaga malapit sa mukha ko ha, konti na lang at malalagot na 'to sakin! Tuluyan na sana akong mairita nung makita ko 'yung pangalan ng ka-chat niya sa phone.


Oh em... pero bakit cartoon character 'yung dp? :)


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now