Entry #64

2.6K 56 1
                                    


Dear Crush,

Last Practice. Bukas na yong Recital.

Kinakabahan na naeexcite na naeewan ako saking sarili. Ano ba ang dapat kong ireact? Siguro mas normal ireact yong excite atsaka kaba, diba? Kasi magpeperform kami sa stage, maraming nakatingin at makakakita saakin and by any chance---makikita mo rin ako. Humaygad. Oo nga no? Makikita mo rin ako! Huwaaah! Nakakahiya! Magback-out na lang kaya ako?! Tama! Magbaback-out na ako! Mapapahiya ako nito! Ay buhay, kairitang life.

Nga pala, nakita kita kanina. Alam mo yong feeling na ang sarap mo lang yakapin? Kasi ako, alam ko. Ikaw, alam mo rin kaya? Haay. Siyempre last practice na namin yon, at kayo din last na, alam mo bang habang nagpapractice kayo ay ikaw lang ang pinapanood ko? Kawawa naman yong kapatid, hindi ko pinanood. Hahaha ang sama ko talaga. Pasensya Karlo.

Pinag-iisipan ko talagang mabuti kanina kung lalapitan ba kita or mananatili na lang ako don sa practice namin at i-deadma ka na lang kaso ayaw, may sariling utak ang mga mata ko at kusa silang titingin sa'yo. Ano ba! Kainis naman talaga! Plano ko na talagang lapitan ka kanina nung nagbreak muna kayo sa practice kaso, nagback-out ang mga paa ko. Parang nagsasabi sila na ‘wag na lang Kriselly’.

Crush, sorry na. Dito na lang ako hihingi ng despensa. Patawarin mo na ako please?

- Crash

Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon