Entry #59

2.5K 61 1
                                    


Dear Crush,


Akala ko kayo lang ang may recital, kami rin pala.


Bat hindi ko alam yon? Ahh siguro, dahil hindi naman kami nagpractice? Or ano-ano pa jan? Or siguro naman, halos hindi na ako nagbigay ng pake sa pag-aaral. Gad! Di pwede to, paano na ang magandang kinabukasan ko? Buti na lang talaga at nagusap-usap kami kanina at ang sabi ni mam ay mag practice na raw kami. Actually, may contest akong sasalihan eh—I mean may contest na ginawa akong isa sa representative—gaad! Ayoko ng contest! Hindi ako magaling! Mapapahiya lang ako! T__T


Wala na rawng magback-out. Bawal daw. Oo na. Wala na naman akong magawa. Sila naman talaga ang masusunod eh. Ok na lang sana ang contest kaso nung nalaman kong pagkasali ka don ay hindi na pwedeng sumali sa presentation during recital, halos maiyak ako. Unfair! Gusto kong sumali sa presentation!


Kinausap ko si mam with matching puppy eyes pa! Guess what? Napapayag ko siya! Yehey! Ang saya saya lang! Pero doble kayod ang dapat kong gawin, may contest ako tapos may practice rin para sa presentation. Sabi niya na hindi madali ang sasalihan kong contest, nangangailangan ng matinding practice. Memorization atsaka stock knowledge ang kailangan don. But fighting to! Aja!


Kakayanin ko to para sayo :)


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now