Entry #62

2.4K 55 4
                                    


Dear Crush,


Saan ba ang mas nakakagulat? Ang malaman na crush ka rin ng crush mo noon’ o may isang Unknown Number na nagsosorry ng ‘walang dahilan’. Asan ba?


Siyempre yong una ang isasagot mo! Yong malamang crush ka rin ng ex-crush mo. Tama ba ako? Pero bat sa'kin iba? Mas nagulat ako kay Unknown number? Mas malaki ang impact non kesa nung pag-amin ni Dan? Bakit! Hindi ko naman kilala ang taong yon, baka na wrong sent ulit siya. Pero kasi... kasi fine. Aamin na ako.


Iniisip ko kasing ikaw yon, si Khin at nag-sorry na.


Yong pag-amin ni Dan? Inaamin kong wala yong epekto sa'kin, wala talaga. Hindi ako naniniwala sakanya. Kilala mo na siya, malakas mang trip, palabiro, baka pinagtitripan lang ako. Kaya walang dahilan na maniwala pa ako. Wala rin naman kasing mababago, once na ex-crush ko na, ex na talaga. Hindi na maibabalik pa ang nararamdaman ko sakanya.


Pero yong kay Unknown Number, grabe! Ang bilis ng tibok ng puso ko, na para bang may iba pa siyang pinapahiwatig bukod sa nag-sorry siya ng walang dahilan. Walang dahilan. Right. Sana ikaw na lang si Unknown Number, pag nangyari siguro yon.


Asahan mong pinapatawad na kita.


- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now