Entry #72

2.5K 68 3
                                    


Dear Crush,

Alam mo ba kung anong magandang resulta sa nangyari kagabi?

Kusang nagsilabasan ang mga answers sa isipan ko! Hindi ko alam kung bakit basta sa pagka-alala ko, hindi naman ako nag-aral. Yep, hindi ako nag-study. Buong magdamag kong inulit-ulit sa pag-iimagine ang mga nangyari habang nilalamon yong cake. Shems! Ayaw kasing tanggapin ng hypothalamus ko na nangyari yon e! KJ much! Hahahaha.

Nag-hinala pa sakin si Joy na baka raw takas-mental ako kasi palagi akong nakangisi habang sinasagot yong exam namin, e bat ba! Ganyan talaga ang buhay ng taong kinikilig, nagmumukang shunga. Hahaha.

Imbes na binigyan kami ng 5 hours para sa 5 subjects na itake namin, 3 hours and 20 minutes lang ang nagamit ko dahil agad itong natapos. Yep! Believe it or not crush! Ang bilis kong natapos! Ang chicks lang kasi ng exam, sisiw lang. Manok sana yong exam na tutuka ng brain sa sobrang difficult pero naging sisiw na lang sila, bakit? Dahil sayo. :)

Kaya lang... crush. Magsusumbong na naman ako. Si Unknown Number kasi, nagreply ako sakanya kagabi. Saglit lang naman yon. Wag kang magalit crush! Nadala lang naman ako sa mga nangyari kaya ayun... inakala ko na namang ikaw si Unknown Number. Bakit ba kasi sinabihan niya ako na magdoble ingat? Huwow talaga! Binasa ko nga ang conversation namin(sorry crush kasi di ko dinelete ang aming convo kagabi), at alam mo yong wala ako sa sarili at hindi ko inisip na stranger siya kasi nga, ikaw ang iniimagine ko. Ikaw si Unknown Number.

Sana ikaw na lang si Unknown Number crush. Ang sweet mo kasi! Nyahahaha! Umaasa na naman ako. Noon si Renz ang hinihiling ko na siya na lang si Unknown Number para matulad ang lovestory namin nina Kayleen at Ashton ng ‘Dear Future Boyfriend’ kaso di pala.  Ngayon naman, ikaw. Sana hindi na ako magkamali. Hahanap na kaya ako ng paraan para makilala ko na siya? Tapos pag ginawa ko yon ay malalaman kong ikaw pala siya. Ngingiti ako ng husto! Sasabog ang puso ko sa saya! Magsisisi ako na nafactory data reset ko aking phone noon kaya nabura ang puno't dulo ng convo natin, magsisisi ako na hindi kita masyadong pinansin. Haay.  Ikaw na lang siya please---oops! Nagtext na naman siya!

Okay lang ba kung replyan kita?

- Crash

Dear CrushWhere stories live. Discover now