Kriselly

3.2K 113 9
                                    


Kriselly


Wala ako sa sarili na tumango kay mama at naglakad na palabas ng gate. Bumalik lang ako sa katinuan ng malaman kong nasa loob na pala ako ng taxi.


Sinabi ko naman sa driver ang address at bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pag-andar ng taxi.


Shems! Itutuloy o hindi? Madali lang naman magpalit ng route, isang sabi lang yan kay manong driver.


Sinundan ng driver ang tracker na makikita sa harap ng kotse, ang lokong driver ay binilisan ba naman ang pagdrive kaya ang resulta, nasulyapan ko na ang kulay pula na gate nila crush.


Waaah! Ang bilis pala naming nakarating! I hate you driver! Kukulamin talaga kita mamaya!


"Kuya stop! Dit--dito na lang ako." taranta 'kong sabi. Agad naman niya itong hininto.


"Sigurado ka iha?"


IHA? Muka ba talaga akong bata? Super hate na kita driver! I hate you so much!


"Oo sure ako. Hehe." napafake-smile tuloy ako. "Magkano po?"


"40" sabi niya matapos tignan yung metro. Inabot ko naman ang 50 pesos na pera sakanya.


"Keep the change na lang ho. Thank you manong!" at mabilis akong bumaba sa taxi.


Baka kasi matunaw ako sa aking kaplastikan kanina, ang init pa naman sa loob. Nasira raw kasi ang aircon sa taxi'ng yun.
            

Mga sampung hakbang pa aking lalakbayin bago makarating sa bahay ni crush. I can't believe it.


First---I mean second time kong makikita ang bahay nila. Ang laki ng bahay nila. Mas malaki pa kesa saamin. Waaaah!


Huminga ako ng malalim tapos exhale. Inhale exhale. Inhale exhale. Naguguluhan na ako na parang ang sakit sakit sa ulo.


Ngayon? Nagtatago ako sa isang malaking puno, magkaharap lang ang punong tinataguan ko at ang bahay nila.


Sinilip ko ang gate. Asan na si Karlo? Yung kapatid ko talaga! Sabi ko sakanya na hintayin na lang ako sa may gate eh bakit wala pa siya?


Nanatili muna akong nakatago sa puno at naghintay na lumabas si Karlo pero chucky talaga ang batang iyon! 4:30 ako ng dumating dito kanina tapos ngayong tinignan ko aking led watch ay 5:20 na!


Grabe na si Karlo! Magwa-one hour na akong naghihintay dito! Siya talaga ang isusunod ko na kulamin pagkatapos ni Manong driver!


Pupunas-punas ako ng aking pawis ng biglang nag-vibrate aking phone. Kinuha ko naman ito mula sa bulsa.


Calling Lilbro Epal...


Inaccept ko naman agad ang call.


"Ate Lly! One hour na kaming naghihintay dito! Ang tagal mo!"


"Hoy Karlo Ryan Warren! Ikawng bata ka! Sinabi ko naman sayo na sa labas ng gate ko lang ibibigay diba? Pero saan ka na? Pinagpapawisan na ako dito kahihintay sayo sa labas!"


At dahil mabait nga ang kapatid ko, inend call niya ang tawag. Fine. Siya na! Luluhod na ba ako? Siya na talaga!


Naalerto ako ng biglang marinig ang ingay na nagmumula sa gate kaya agad akong napalingon. Nilagay ko agad sa bulsa ang phone.


Baka si Karlo na yan, oh thank God! Buti naman at naisipan pa niyang lumabas.


Hindi na ako nag-alinlangan pa na lumabas na rin sa aking lungga, ang init kasi 'don tapos marami pang lamok oh diba? Package! Lakad-takbo ang ginawa ko ng puntahan ang gate nila crush.


"Buti naman at naisipan mo pang lumabas! Papatayin mo ba ako sa kahihintay sayo dit---"


Nanlaki sa gulat ang aking mata habang automatic na huminto ang aking hakbang. Napako ang mga paa ko. Napalunok ako ng pilit at shems! Walang utak aking puso pero halatang nababaliw na ito sa bilis ng kanyang tibok.


"Uh---ahm aaahh..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Pinagpapawisan na rin ang mga kamay ko.


Shucks! Hindi ako ready!


Tumalikod ako sakanya tutal hindi pa naman siya nakatingin sakin kasi may inayos pa siya sa gate. Tinignan ko ang daan, tatakbo kaya ako? Waaah! Lipad na lang para mas madali!


Pinilit ko aking sarili na humakbang para agad na makatakbo pero...


"Kriselly?"


I died.


Klui Renz Whyte knows me?

Dear CrushWhere stories live. Discover now