Kriselly

4.1K 115 23
                                    

Kriselly


Isinara ko aking notebook matapos isulat ang Entry #79. Umayos ako ng upo dito sa sofa. Wala si Mama ngayon dahil nag-grocery at pati rin si Papa dahil nasa trabaho. 


"Karlo Ryan, kailan daw pupunta si Khin dito?"


Nasa kabilang sofa siya and as usual, inaasikaso 'yong cellphone niya. Muka siyang businessman dahil di niya mabitaw-bitawan ang cellphone niya.


"Hmm?"


Hindi nakikinig.


"Kailan pupunta si Khin dito? I mean, pupunta ba siya ngayon?"


Buti naman at naisipan pa niyang bigyan ako ng atensyon.


"Oo pupunta siya."


Napangiti ako. May bahid ng saya, sobrang saya ang ngiti ko! Yes! Sabi na ba! Hehehe.


Hinawakan ko aking diary. Shucks. Isang entry na lang! Excited na akong umamin kay Khin Ralf!


Tinanong ko aking sarili noon kung ano ang mapapala ko pagkatapos 'kong umamin, nasabi ko na wala. Ngayon, parang iba na. Parang... parang waaa! Basta! Hihihi. Wag munang mag-jump to conclusion!


"Ngunit susunduin lang niya ako, may lakad kasi kami ngayon. Hindi siya mananatili ng matagal."


Napabagsak ang balikat ko sa aking narinig. Parang nahulog ako sa isang malaking man hole na walang gustong tumulong saakin para maka-ahon. Hindi siya mananatili dahil may lakad sila?


That hurts!


I know na abusada na ako masyado, selfish na rin dahil halos araw-araw ko siyang nakakasama pero hindi pa rin ako nakokontento. Gusto 'kong lumipas ang araw na ito kasama siya. Ahuhu.


"Pwede ba akong sumama sa inyo?"


Lumabas bigla ang mga katagang 'yon bago ko pa napigilan. Tinakpan ko aking bibig gamit ang notebook. Liningon ako ni Karlo Ryan.


"Akala mo bang hindi kita nahahalata?" He smirked.


Kinilabotan ako sa smirk niya. Nakakapanindig balahibo.


"Halata?" Gulo 'kong tanong.


"Wag ka na ngang magmaang-maangan Ate."


Napa-iling siya habang ako ay patuloy na naguguluhan. Malapit na ngang magkasalubong ang kilay ko.


"Naalala mo pa nung nag-outing tayo last month? Nung di ka matigil sa kakadaka, puro si Khin na lang lumalabas sa bibig mo. Don na ako nagsimulang maghinala sa'yo." Pa-suspense na sabi niya.


Sinusuri ko 'yong itsura niya. Tinatansya kung anong gusto niyang iparating. Natampal ko aking sarili. Alam ko na.


"At lalo na sa mga nakaraang araw at siyempre ngayon din. Tsk. Sobrang halata na."


Nag-taas baba 'yong kilay ni Karlo. Nang-aasar ba siya? Kainis. Uminit aking mukha.


"Uso rin naman siguro ang umamin, ano? Kahit saakin lang. Spill it. Wag mo ng itago. Promise, hindi ko ipagkakalat." Parinig niya.


Nakakaramdam ako ng tensyon. Ibinaba ko aking notebook sa aking lap dahil nagsisimulang mamasa ang mga kamay ko. Baka kasi mabasa 'yong diary ko. Umayos ulit ako ng upo. Nakatingin pa rin saakin si Karlo Ryan, naghihintay sa aking sasabihin.


Dear CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon